^

PSN Showbiz

Jennylyn hanggang press release pa lang ang pagpunta sa Tacloban

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bagong Lovi Poe bilang si Lovelia ang mapapanood sa Akin Pa Rin ang Bukas nga­yong linggo dahil nagbabalik na siya para bawiin ang lahat na tinatamasa ni Agatha (Charee Pineda) sa kayamanan ng mga Villacorta.

Hindi kasi sanay magpaiksi ng buhok si Lovi kaya nanibago daw siya sa short hair.

PAK: Naging isyu sa PMPC Star Awards for TV ang acceptance speech ng mga representative ng winner na sinisimulan ng linyang “in behalf.”

Ang sabi kasi nila, mali iyun dahil ang tama ay “on behalf.”

Si Richard Pinlac ang tumanggap ng award ni Cristy Fermin na Female Best Showbiz-Oriented Talk Show host  at sabi nito, tinatanong daw niya si Tita Cristy kung alin ang tama, ang “in behalf” o “on behalf”. Sabi raw ni Tita Cristy, “in behalf”.

May isang young actor ang patagong natawa dahil alam niyang “on behalf” ang tama. Pero tanggap na rin naman nga­yon ang “in behalf”.

BOOM: Hindi pala natuloy si Jennylyn Mercado nang pagpunta sa Tac­loban para hanapin ang iba pa niyang kamag-anak at magdala ng relief goods.

Dapat nung nakaraang linggo pa siya umalis, pero hindi pala ganun kadali ang magdala ng mga relief goods na isasakay mo sa C130 ng mga marine at navy.

Kailangan pa raw mag-request kaya hinihintay pa nito ang sagot kung kailan niya puwedeng maipadala ang mga relief goods para kasabay niya itong pagpunta sa Tacloban.

Hindi pa rin daw naayos ang magku-coordinate nang paghahanap nila sa mga kamag-anak niya doon.

Sabi naman ni Jennylyn, kahit nagsisimula na siyang mag-taping sa Rhodora X, isisingit pa rin niya sa kanyang schedule ang pagpunta ng Tacloban.

vuukle comment

AKIN PA RIN

BAGONG LOVI POE

BEHALF

CHAREE PINEDA

CRISTY FERMIN

FEMALE BEST SHOWBIZ-ORIENTED TALK SHOW

JENNYLYN MERCADO

RHODORA X

TITA CRISTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with