^

PSN Showbiz

Dayanara Torres inaakusahang datungera, ex-hubby hinihingan ng $112,000 a month

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pinagbibintangan na mukhang datung ang former Miss Universe na si Dayanara Torres dahil pinadadag­dagan niya ang sustento ng kanyang ex-husband na si Marc Anthony para sa kanilang dalawang anak.

Si Dayanara ang original wife ni Marc bago nito pinakasalan si Jennifer Lopez. Minahal ng mga Pinoy si Dayanara dahil namalagi ito nang matagal sa ating bansa.

Pinararatangan na datungera ang dating beauty queen dahil mula sa US$13,000 monthly support at US$ 3,500 spousal support, nagde-demand siya mula kay Marc ng US$112,000 monthly support.

Nag-file na si Dayanara ng kaso sa korte  para maging legal ang panghaharbat niya pero  lalaba­nan na siya ni Marc na naloloka sa laki ng datung na hinihingi ng kanyang ex-wife. Ang sey ng abogado ni Marc, hindi nagkulang sa pagbibigay ng sustento ang kliyente niya na gumagastos sa lahat ng panga­ngailangan ng mga anak nila ni Dayanara, sa school, band lessons, camps, medical, at dental.

Mabuti na lang, hindi Pilipino ang napangasawa ni Dayanara or else, maghihirap ang mhin sa rami ng kanyang mga hinihingi. 

Mahirap ang kalagayan ni Marc Anthony dahil bukod sa buwanan na sustento na ibinibigay niya kay Dayanara at sa kanilang mga anak, obligasyon din niya na magbigay ng monthly allowance sa mga anak nila ni Jennifer Lopez.

In fairness, mukhang mabait at hindi da­tunge­ra si Jennifer dahil mas mayaman pa siya sa kanyang ex-husband. Paano na lang si Marc kung humingi rin ng mas malaking sustento si Jennifer?  Bakit nga ba ako mag-aalala eh hindi ko naman sila mga personal na kilala?

Paris Hilton ‘in love na in love’ kay Manny

Tapos na ang laban nina Papa Manny Pacquiao at Brandon Rios pero sige pa rin si Paris Hilton sa pag-tweet tungkol sa Pambansang Kamao.

Fan na fan talaga ni Papa Manny ang sosya­lerang babae na walang ginawa kundi ang mag-post ng litrato nila ng mag-asawang Pacquiao.

Pinatunayan ni Paris na kaibigan siya nina Papa Manny at Jinkee. “My boy”  ang tawag ni Paris kay Papa Manny pero hindi nagseselos si Jinkee dahil alam nito na natutuwa lamang ang hitad sa kanyang asawa.

Startalk waging Best Oriented Talk show

Congrats sa Startalk dahil ang aming show ang hinirang na Best Showbiz Oriented Talk Show sa  Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club.

Nominado ako sa Best Female Showbiz Oriented Talk Show Host category at kahit hindi ako nanalo, happy ako sa award na ibinigay ng PMPC sa aming show. Timing na timing ang parangal sa Startalk dahil ngayong November ang 18th anniversary month ng programa namin.

Thank you PMPC!

Hero ng People Power namaalam na

Nakikiramay ako sa mga naulila ni June Keithley-Castro, ang hero ng People Power Revolution na namatay noong Linggo dahil sa breast cancer.

Agree ako sa sinabi ni Ali Sotto na dapat kilalanin ng lahat ang contribution ni June para maibalik sa mga Pilipino ang demokrasya na pinakamimithi noong 1986.

May kuwento si Ali tungkol kay June at sa kanyang kasambahay.  â€œKilala mo ba si June Keithley?” `ika ko sa aming kasambahay “Hindi po,” sagot niya.  

“We must do something to secure her place in this nation’s history, so that her role will be remembered beyond this generation,” ang suggestion ni Ali.

vuukle comment

DAHIL

DAYANARA

JENNIFER LOPEZ

MARC ANTHONY

PAPA MANNY

PARIS HILTON

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with