^

PSN Showbiz

Ryan tuloy ang pagtapat kay Juday!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamayang gabi na ang benefit concert na binuo ni Mark Herras para sa mga Yolanda victim na gaganapin sa Zirkoh Morato, Quezon City.

Pinamagatang Aahon ang Bayan Ko, Tutulong Ako na sasalihan ng mga kasamahan nila sa Sunday All Stars, ang Sayaw Pilipinas, na kinabibila­ngan nina Jennylyn Mercado, Aljur Abrenica, Enzo Pineda, Alden Richards, JayR, at ilan pang kasamahan nila sa show.

Si Mark mismo ang aligaga sa pag-asikaso ng buong show mula sa production hanggang sa pagbebenta ng tickets.

Nagpapasalamat naman siya dahil sa all out na suporta ng mga kaibigan na bumili ng mga ticket niya kaya halos sold out na ito.

PAK: Nakakatuwa ang sobrang pagmamahal ni Kris Lawrence kay Katrina Halili.

Kung siya ang masusunod, gusto na niyang pakasalan ang Kapuso actress pero mukhang hindi pa ready si Katrina kaya willing naman siyang maghintay.

Pero sabi ni Katrina, kung sakaling magri-retire raw siya ay gusto niyang sa Palawan na titira. Willing ba si Kris na samahan siya roon?

 â€œSiguro, magpa-farming ako dun, magiging yaya ako ni Katy or kakanta na lang ako sa mga bar dun,” natatawang sagot ni Kris.

Kaya raw niyang subukan ang ganung buhay kung sakaling iyon na nga ang desisyon ni Katrina basta huwag lang sila maghiwalay.

Sa Biyernes pala ay meron ding concert sina Kris at JayR na pinamagatang Soul Brothers na gaganapin sa Music Museum sa San Juan City at ang proceeds nito ay ibibigay nila sa Philippine National Red Cross para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda.

BOOM: Seryoso rin si Ryan Agoncillo nang nakausap namin sa press launch ng bagong game show niya sa GMA 7 na Picture Picture.

Inamin niyang sobrang apektado siya sa pagsalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban dahil karamihan pala na mga kasambahay niya ay tagaroon at talagang apektado sila sa bahay.

 â€œIba ’yung effect sa amin dahil ito ’yung mga taong nagpapalaki ng mga anak namin and it was their children who were missing.

“So, we directed our efforts towards helping them,” lahad nito. Binigyan daw nila ng ilang araw na day off ang ilang kasambahay nila para hanapin ang pamilya nila at mabuti nahanap naman at safe na.

Kaya ngayon ay nagsisimula naman silang tumulong sa kanilang mga kasambahay na makapagsimula ng buhay nila sa Tacloban. Tinulungan daw nilang magkapag-ipon ng bubuuing bahay doon at pati nga raw ilang mga kakilala nila ay tutulong din sa pagpapatayo ng kanilang bahay sa nasalantang lalawigan.

Sobrang apektado si Ryan at ngayon lang daw nila naramdaman ni Judy Ann Santos sa rami ng mga trahedyang sumalanta sa ating bansa.

Sa Sabado ay magsisimula na pala ang Picture Picture ni Ryan pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

BAYAN KO

ENZO PINEDA

JENNYLYN MERCADO

JUDY ANN SANTOS

NILA

PICTURE PICTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with