^

PSN Showbiz

Nagde-deny pa sana ang kampo ‘forced vacation’ ni Korina hindi na nahilot

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila ng denial ng kampo ni Korina Sanchez na hindi siya pinagbakasyon, hindi siya lumabas sa TV Patrol at radio show niya sa DZMM na Rated Korina kahapon.

Sa kanyang radio show ay pansamantalang humalili si Jasmine Romero at sa TV Patrol naman ay si Bernadette Sembrano ang nag-anchor kasama sina Noli de Castro and Ted Failon.

Last Sunday kasi kung saan inilabas ko dito ang tungkol sa forced vacation ni Ms. Korina dahil sa naging epekto ng resbak niya sa CNN journalist na si Anderson Cooper na lumabas na hindi pala niya napanood ang report ni Cooper bago siya nag-react sa kanyang radio show ay dumepensa ang kampo niya at sinasabing hindi naman pinagbakasyon ang news anchor/chief correspondent. Nasa field lang daw si Mrs. Mar Roxas tulad ni Noli de Castro na nagre-report from Tac­loban.

Ang kaso ‘di lumabas si Ms. Korina kahapon at sure ang source ko na pinag-forced vacation si Korina pero ang pinalulutang nga ay bakasyon daw.

Kalat na kalat daw sa buong compound ng ABS-CBN ang ginawang pagpapabakasyon dahil naapektuhan ang buong news and current affairs ng Kapamilya sa mga negative na banat.

“Nasa field po si Korina since late/mid last week. She was in Bohol and was about to go to Tacloban but management didn’t allow her team for security reasons. she was diverted to Ormoc to cover and Do relief. this week she’s off to Capiz, Iloilo, Palawan, and Zamboanga. Naka-deploy po kasi ang mga reporters and anchors of Patrol sa field/site. They take turns like Noli wala rin sa studio at radyo he is also on field,” text message ng kampo ni Korina.

Pero bakit hindi siya umeere? Bakit naman si Noli nagre-report from Tac­loban?

Cristine nangongolekta ng condo units

Marami na palang nabiling condo units si Cristine Reyes. Dito niya dinadala ang naiipon niyang pera. Maraming ibang negosyo na iniaalok sa kanya pero maingat na maingat siya.

Pagpapa-renta ng apartment ang negosyo ng pamilya niya, pero naisip niyang pareho lang naman ang kikitain pag nag-invest siya sa apartments at sa condo. “Pag condo kasi puwedeng hindi ko tutukan, puwedeng walang caretaker. Eh sa  apartment kahit may lupa, malaki naman ang maintenance.

Samantala, pahinga ang puso ni Cristine ngayon. Nasanay na ang marami na lagi siyang may boyfriend.

Pero kahit loveless siya, mas maraming pumupuna na mas blooming ang actress at hindi ngarag kahit halos wala siyang pahinga dahil pagkatapos kabiliban sa katatapos na Bukas Na Lang Kita Mamahalin, heto at kasama na siya sa programang pang-bata na tumatalakay sa katapatan, ang Honesto.

Bibigyang-buhay ni Cristine sa Honesto ang karakter ni Marie, ang mister­yosang dalagang pinagkatiwalaan ni Hugo Layer (Joel Torre) na mag-alaga sa kanyang anak na si Diego (Paulo Avelino) habang ito ay nagpapagaling.

Sa pagpasok ni Marie sa buhay ng pamilya Layer at Galang, tunghayan ang pagbabagong dadalhin niya sa mag-amang Diego at Honesto (Raikko Mateo). Ano ang tunay na pagkatao ni Marie at ano ang ugnayan niya sa pamilyang Layer? Magiging isa ba siyang matapat na kaibigan ni Diego, o isa rin ba siyang manloloko at sakim na tulad nina Hugo at Cleto (Nonie Buencamino)?

Isa si Cristine sa pinaka-abalang actress ng Viva at ABS-CBN. Bukod sa Honesto, busy siya sa promo ng When the Love is Gone na showing sa November 27, My Trophy Wife and Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

 

 

 

 

vuukle comment

ANDERSON COOPER

BERNADETTE SEMBRANO

CRISTINE

HONESTO

KORINA

MS. KORINA

NIYA

NOLI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with