^

PSN Showbiz

Richard binibitin ang malaking pasabog

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Sa presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez excited na ang buong angkan nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa pagkakaroon ng TV special na isang reality family show, sa direksiyon ni Mike Carandang.

Kasama rin sa bagong show ang mga apo ng dalawa kina Ruffa na sina Lorin at Venice, gayun din ang anak ni Elvis.

May nagtanong din kung kasama ba ang anak ni Richard at ang tanging sagot na lang ni Annabelle ay abangan na lang kung ilan talaga ang apo niya.

Inamin naman ni Richard na a-appear din sa show si Sarah Lahbati, ang kanyang controversial girlfriend, dahil bahagi ito ng kanyang buhay.

Ani Richard, ‘‘Abangan na lang ninyo ang ma­laking pasabog ko this January. Ang show ang magiging right venue kung mayroon man. The show is a free-flowing program and you will know more about us!”

Ang airing ng show ay sa darating na Enero at ’di pa malaman kung anong channel. Magte-taping sila around Asia at kukunan din ang iba sa Baguio City.

Ruffa hindi kayang siraan ang ina

Hindi maiwasan na ikumpara ang pamilya Gu­tier­rez sa pamilya Barretto na nasasaktan si Annabelle Rama sa nangyayaring gulo sa pamilya ni Claudine.

Ayon kay Annabelle hindi sila nagsisiraan at ka­pag may diskusyon ay siya pa rin ang nananalo at hindi sila sumusunod sa kanilang mga anak.

‘‘Love life lang ni Ruffa ang pinakikialaman ko. Hindi natatapos ang buong araw na hindi kami magbabati. Pinakamatagal na ang dalawang araw pero naaayos naman ang gusot. Hindi ako sinisiraan ni Ruffa at umiiyak lang siya,’’ say pa nito.

vuukle comment

ANI RICHARD

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BAGUIO CITY

EDDIE GUTIERREZ

IT TAKES GUTZ

MIKE CARANDANG

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with