^

PSN Showbiz

Concert ng may Husband’s Lover hindi napuno?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Gaano kaya katotoo ang balita na hindi umano napuno ang Smart Araneta Coliseum sa isinagawang special concert bilang pasasalamat  ng My Husband’s Lover cast dahil sa sobrang mahal ng tickets?

Inakala kasi ng marami na magiging popular ang presyo ng tickets na  kayang abutin ng masa.  Marami rin ang umasa na libreng gagawin ang nasabing special concert bilang pasasalamat ng cast ng bakla-serye ng GMA na kumita nang husto in terms of commercial loads habang tumatakbo ang serye sa ere.  Tickets we heard, were sold at P5,000 pababa na hindi nga kakayanin ng masa.

Regine at Ogie walang pakialaman pagdating sa career

Given na ang muling pagpirma ng two-year exclusive contract ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa bakuran ng GMA kaya mananatili siyang Kapuso for the next two years.

Nang lumipat at pumirma ng three-year exclusive contract ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid sa TV5, inakala ng marami na kasunod niyang lilipat at pipirma sa nasabing istasyon ang kanyang misis pero hindi ganoon ang nangyari.  May dalawang show si Regine sa GMA, ang Sarap Diva at Sunday All Stars. 

Magkaiba ng management ng mag-asawa. Si Ogie ay nasa pangangalaga ng talent manager na si Leo Dominguez habang ang sister ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra naman ang tumatayong manager ng Asia’s Songbird.

Although nag-uusap ang mag-asawa na may kinalaman sa kanilang respective careers, ang kanilang magkahiwalay na manager pa rin ang may final say sa kung ano ang makabubuti sa kanilang karera. 

Ang mag-asawang Ogie at Regine ay walang ipinag-iba kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Julius Babao at Tintin Bersola-Babao, ­Ariel Rivera at Gelli de Belen, ang magkasintahang Luis Manzano at Jennylyn Mercado gayundin sina Drew Arellano at Iya Villania.   

Mag-asawang Jun at Perci, malamang sundan ng maraming beki

Kung hindi kami nagkakamali, Salve A., ang pagi­ging open ng `mag-asawa’ na ngayong Direk Jun Lana at dating TV5 executive na si Perci Intalan sa kanilang relasyon at pagpapakasal sa New York, USA ay tiyak na magpapasimula ng trend ng same sex marriage ng mga Filipino couple sa ibang bansa although hindi ito recognize sa atin.

Sina Direk Jun at Perci ay ikinasal nung nakaraang Lunes sa Bethesda Fountain sa Central Park, New York na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

vuukle comment

ARIEL RIVERA

BETHESDA FOUNTAIN

CACAI VELASQUEZ-MITRA

CENTRAL PARK

DIREK JUN LANA

DREW ARELLANO

IYA VILLANIA

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with