^

PSN Showbiz

Ayaw paawat!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung sa Miss World ay may nagpapatanggal ng titulo at nagpapabawi ng  korona na si Megan Young, ganundin sa nagwagi sa Manhunt Philippines at maging sa Manhunt International  2013 na si June Macasaet. Pero dahil ang nagpapa-dethrone sa kanya ay yung  local franchise holder ng Manhunt Philippines 2014 at hindi yung pumili sa kanya at dahil walang sanction ang international organization na sumusuporta sa kanya kung kaya walang nangyayari sa motion nila to deprive him of his title.

At habang hawak pa niya ang kanyang titulo at ginagampanan ang kanyang tungkulin na taliwas sa paratang sa kanya, pumirma ng kontrata sa Psalmstre ang matikas na ginoo na kauna-una­hang naging image model ng New Placenta for Men, isa sa pinaka-bagong produkto ng Psalmstre na ginawang eksklusibo para sa mga lalaki.

Hindi na baguhan si June sa produkto ng Psalmstre. Simula nang nakuha siyang escort ni Stepha­ny Stefanowitz,ang image model/endorser ng New Placenta na matagal ding hinawakan ni Me­lanie Marquez, na­sa­nay  na siya sa paggamit ng na­sabing produkto na napakagandang kumbinasyon ng kanyang magandang pangangatawan. Ngayong opisyal na siyang endorser ng New Placenta for Men, hindi na siya sabit lang kay Stepha­ny, pareho na silang endorser. Magiging abala sila sa mga susunod na buwan sa promotion ng ka­ni­lang  mga endorsements dito sa bansa at ma­­ging sa abroad. Napanood pa lamang sa In­­ter­net ang ginawa niyang photoshoot pero agad-agad nang may nag-order ng bulto ng New Placenta for Men mula sa  bansang Saudi.

Nadia ipinagdasal ang comeback

Isa sa excited mag-comeback sa kanyang pag-aartista ay si Nadia Montenegro. Bago siya napasama sa teleserye ng ABS CBN na Maria Mercedes  ay talagang nag-text siya sa na­pakaraming tao para lang sabihin na gusto niyang magbalik sa pag-aartista. Kasabay nito ay nagdasal siya, at kahit matagal bago siya tumanggap ng offer ay hindi siya napagod. When the offer came, talagang napaiyak siya sa tuwa.

“Twenty three years din akong tumigil. I’m 41 years old now at gusto ko namang balikan ang trabahong matagal ko nang na-miss. Masaya sa set at kahit medyo naninibago ako dahil nasanay na akong walang ginagawa kundi mag-alaga ng mister ko at ng mga anak namin, akala ko mahihirapan akong mag-adjust. Hindi naman pala,” sabi ng dating Regal Baby.

Enchong hindi tuluyang naging masama

Huling araw na bukas ng Muling Buksan ang Pu­so. Ewan kung magpapatuloy ng pagtulog ng nakangiti si  Enchong Dee knowing na maganda ang na­ga­wa niyang trabaho. Baka kasi hindi ganito ka-challenging ang susunod niyang assignment.

Nakahinga ng maluwag ang mga fans niya dahil hindi naman completely mean ang character niya. Namamayani pa rin ang kinalakhan nitong kabaitan at pagmamahal sa pamilya. Nanalig ang lahat ng manonood na ang puso niya ang mabubuksan para tumanggap ng pagpapatawad sa mga inaakala niyang nagkasala sa kanya at pang-unawa sa mga katotohanan ng buhay.

Revelation sa serye si Enrique Gil na hindi nagawang masapawan ng kanyang mga co-stars, yung mga kaedad niya at maging ng mga seniors.

vuukle comment

ENCHONG DEE

MANHUNT PHILIPPINES

NEW PLACENTA

PSALMSTRE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with