^

PSN Showbiz

Younger-looking face puwedeng-puwede!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa darating na Linggo, abangan ang anti-aging vehicle ni Dr. Vicki Belo na kung saan ay unang nakilalang eksperto ang Belo Medical Group sa skin care and cosmetic surgery.

Sa Salamat Dok, 7:30 a.m. sa ABS-CBN at ANC, ipapakita ang anti-aging procedures na Stem Cell Auto Grafting, Hydrafacial, at Blepharoplasty.

Ang Stem Cell Auto Grafting (SCAG) ay naglalayong ibalik ang malaking nawala na ganda ng mukha na nagdudulot na magmukhang matanda sa tunay na edad. Tamang-tama ito sa wrinkles, sagging skin, at unwanted age lines.

Bago ito at safe na technique na parang nagkakaroon ng “mini-liposuction” sa loob lamang isang oras.

Ang Hydrafacial treatment ang sagot sa pag-exfoliate ng dead skin cells at pag-extract ng impurities na papalitan ng cleansing, hydration, at antioxidant protection. Napapantay nito ang skin tone at texture, nababawasan ang kulubot at ang hyperpigmentation. Pero hindi lang ito pangontra sa pagtanda, bagay din ito sa younger clients na may oily at acne-prone skin.

Ang Blepharoplasty o ang cosmetic eyelid surgery ang tumututok sa mga mata na magmukhang gising na gising. Kaya huwag nang alalahanin ang unwanted eyebags, puffiness, droopiness, sagging, at pati na ang pangungulobot sa gilid na kung minsan ay nakakaapekto pa ng vision.

vuukle comment

ANG BLEPHAROPLASTY

ANG HYDRAFACIAL

ANG STEM CELL AUTO GRAFTING

BELO MEDICAL GROUP

DR. VICKI BELO

HYDRAFACIAL

KAYA

LINGGO

SA SALAMAT DOK

STEM CELL AUTO GRAFTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with