^

PSN Showbiz

Raymart hindi mabanggit ang pangalan ni Claudine

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Dapat talagang bigyan linaw na ni Raymart Santiago ‘yung isyu sa kanila ni Claudine Barretto. Malaking bagay ‘yung ginawang paghingi ng Temporary Protection Order ni Claudine sa korte na pinalalabas na na­na­nakit siya. Mala­king minus pogi point ito sa kanya. At sa isang artista, malaking bagay ito.

Nagbigay naman si Raymart ng pahayag pero parang bitin.

Ang isa pang napansin ko, hindi na binabanggit ni Raymart ang pangalan ni Claudine sa inilabas niyang statement.

Malala na ba talaga ang problema nila?

Kathryn may K magregalo ng mamahalin

Kita n’yo na! Napaka-judgmental n’yo! Eh ano naman kung niregaluhan ni Kathryn Bernardo ng mamahaling gitara si Daniel Padilla. Bakit n’yo naman nilalagyan ng halaga ang pagkakaibigan nila? May pera naman si Kathryn, afford niyang magbigay ng ganun kamahal na birthday gift. Eh bakit kayo ang nagri-react. Di ba dapat si Daniel?

Hay, talaga naman. Konting kibot ng mga artista, handang-handa ka­yong mag-react. Hindi bale sana kung favorable ang reaction n’yo, pero madalas, may pamimintas, kaya sa halip na ma-inspire n’yo ang mga taartits, nata-turn off sila.

Hayaan n’yo silang magbigayan ng mga regalo. Kahit mahal, at lalo na para sa mahal. Ipinamamalas lamang nila ang  pagmamahal nila and there is no­thing wrong with that.

Squatters hindi na dapat maging reklamador

Squatters daw ng QC binantaan ang movie ni Ma­yor Herbert. Binantaang papaano, ibo-boycott dahil inililipat sila ng lugar? Masaya sila dahil bini­bigyan naman sila ng matitirhan. Hindi bale sana kung sa kalsada lang sila pinatitira, eh meron namang lugar para sa kanila, ano pa ba namang reklamo meron sila eh, sa kakaunting halaga  ay may matitirhan na sila.

Nagrereklamo sila na malayo ito sa lugar ng ha­­nap­buhay nila. Hindi lahat ng bagay ay papabor sa inyo. Kailangang makipag-compromise. Huwag n’yo namang iasa lahat sa inyong pamahalaan, may mga bagay na dapat tayo ring gawin.

 

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DANIEL PADILLA

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

RAYMART

SHY

SILA

TEMPORARY PROTECTION ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with