^

PSN Showbiz

Rufa Mae napiga sa aktingan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kapag pumatok ang Ang Huling Henya, matatanggap na ring aktres si Rufa Mae Quinto. Sa puntong ito ng kanyang career, itinuturing pa rin na isang komedyante ang seksing Kapuso star. At kahit gaano man siya kagaling magpatawa, walang tumatanggap sa kanya bilang isang seryosong artista.

Kaya nga mahirap ang assignment ng kanyang direktor sa kanyang relaunching movie, kailangang gawin siyang isang dramatic actress din! Nagawa naman ni Direk Marlon Rivera. Naniniwala nga ito na puwedeng magka-award si Rufa Mae sa kanyang effort. Pero hindi nito binura completely ang pagiging komedyante ng kanyang bida. Feeling na baka mabigla ang mga sumusubaybay dito. Pero nangako siyang gugulatin ni Rufa Mae ang mga manonood ng Ang Huling Henya. Nagpakita ito ng isang kakaibang talent na hindi nakita sa mga unang pelikula niya. Pramis!

Marian nawawalan ng leading man

Sayang naman at hindi pinayagan ng dating manager ni Marian Rivera na makapareha nito si Tom Rodriguez. Matatandaang ang manager ni Tom ay ang manager na iniwan ni Marian. Baka dahil sa galit pa ito sa aktres kung kaya pati si Dennis Trillo ay bawal ding makasama si Marian kaya hinahanapan siya ng GMA ng ibang makakapareha para sa gagawin niyang bagong serye.

So hindi lilipat si Marian.

Coco iniisnab ang mga babae

Huwag naman n’yong pilitin si Coco Martin na maki-affair kay Angeline Quinto dahilan lamang sa sinabi nitong mahal niya ang singer. Pamilya pa rin ang prayoridad ng aktor kaya siguro sa lahat ng babae, hindi lang kay Angeline, ay wala siyang balak manligaw.

Makuntento na lang kayo na wala pang babae na pinapahalagahan si Coco more than his family, may tsansa pa kayo.

Dennis hindi nagpaka-gentleman

Marami ang nagulat na malaman na hindi pala maganda ang naging paghihiwalay nina Dennis Trillo at Bianca King. Nag-isnaban sila at hindi nagpansinan sa isang event na dinaluhan nila pareho. Sana naghiwalay sila ng magkaibigan dahil baka sa ibang araw magkatrabaho sila eh magkakailangan pa sila.

Ikaw na Dennis ang maunang bumati. Be a perfect gentleman and treat your ex like a true friend. Okay ba?

 

vuukle comment

ANG HULING HENYA

ANGELINE QUINTO

BIANCA KING

COCO MARTIN

DENNIS TRILLO

DIREK MARLON RIVERA

MARIAN RIVERA

PERO

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with