^

PSN Showbiz

Pagbubuntis ayaw sagutin: Sarah kinasuhan ng grave coercion at perjury si Annette Gozon

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Na-tape na ng Home Sweet Home ang finale episode nila at nung isang gabi ay ginanap ang kanilang cast party sa Marikina Convention Center na dinaluhan ng halos lahat ng cast.

Nakorner namin si Raymart Santiago para mahingan ng pahayag kaugnay sa isyu nila ni Claudine Barretto.

Tumanggi ito at nakiusap na huwag muna siyang interbyuhin.

“In due time magsasalita naman ako eh. Pagdating ng panahon. Basta magsasalita rin ako,” napapangiting sagot sa amin ni Raymart.

Napangiti lang si Raymart nang siningit pa rin namin ang tanong tungkol sa video na sinasabi ni Claudine.

PAK: Dumating din ang magkasintahang Jake Vargas at Bea Binene. Sweet ang dalawa at laging nagho-holding hands at open na open sila sa kanilang relasyon.

Isang taon at limang buwan na ang kanilang relasyon at ngayon lang sila umamin dahil tingin nila ito ang tamang panahong aminin na nila ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Hindi naapektuhan si Bea sa kumalat na litratong naka-topless si Jake na may kasamang babae na kuha raw sa isang kuwarto.

Bago lumabas iyon, naipaliwanag na ni Jake kay Bea kaya hindi na nagulat ang young actress.

BOOM: Dalawang kaso ang isinampa kahapon ni Sarah Lahbati laban kay Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Kasong grave coercion ang isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) at perjury naman ang isinampa niya sa Makati City.

Tungkol lang sa kaso ang gustong sagutin ni Sarah pero ang ibang isyu ay hindi na niya sinagot lalo na ang intrigang buntis.

“I’d rather not comment on things that are not related sa case. Let’s not get distracted sa mga issue na wala namang kinalaman sa case. Hindi ko alam kung bakit nililihis o dini-distract ang tao at laging ’yun at ’yun ang question.

“Bahala na po kayong mag-isip kung ano ang gusto n’yo, basta I’m here to fix what I have to fix,” diretsong pahayag ng young actress.

vuukle comment

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BEA

BEA BINENE

CLAUDINE BARRETTO

HOME SWEET HOME

JAKE VARGAS

MAKATI CITY

MARIKINA CONVENTION CENTER

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with