^

PSN Showbiz

Hayden Kho ang starlet na si Princess Snell ang bagong girlfriend

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kay Princess Snell pala nali-link si Hayden Kho, Jr. ngayon at nalaman namin ito nang mabasa ang tweets nina Mo Twister at Angelika Schmeing o @TheAngelicopter sa Twitter. Tinanong ng dalawa kung natuloy umalis for New York si Hayden with Princess at “hindi” ang sagot ni Hayden. Kinansela raw niya ang trip niya for business reasons at importante ang business.

Pero ayaw magpatalo sina Mo at Angelicopter, biniro pa rin nila si Hayden. Ang kasunod noon ay ang paggi-guest nina Hayden at Princess sa Podcast ni Mo.

Produkto ng Starstruck 5 si Princess Snell, hindi lang kami sure kung talent pa rin siya ng GMA Network at GMA Artist Center. In fairness, kahit walang regular show, laging nasa news ang dalaga dahil sa mga nali-link sa kanya!

Manager ng singer-actor nag-iilusyong sikat ang alaga, nakikialam sa mga nagi-interview

‘Kaloka ang manager ng singer-actor (SA) dahil ang lakas ng paniwalang sikat na sikat ang ta­lent niya at kailangang mga gustong tanong lang niya ang itanong.  Nangyari ito sa isang showbiz event kung saan isa sa mga dumating si SA at nakatabi nito sa upuan ang isang reporter.

Dahil na-interview na minsan na hindi naman ipi­naalam sa ma­nager, akala ng reporter muli niyang ma­ka­kausap si SA. Kaso bago pa siya makapagsimulang mag-interview, lu­mapit sa kanya ang ma­nager ni SA at sinabi kung ano lang ang puwede niyang itanong sa talent niya.

Hindi na nagpilit ang reporter na interbyuhin si SA dahil paano ka nga naman mag-i-interview kung scripted ang mga tanong? Ang ikinasama ng loob ng reporter, siya ay hinigpitang ma-interview si SA, pero ang kaibigang reporter ng manager, na-interview si SA at hindi ini-screen ng manager ang mga tanong.

Carla Abella hinimatay at isinugod sa hospital

Gabi ni Carla Abellana ang Thursday and Friday episodes ng My Husband’s Lover  dahil na-focus sa karakter niyang si Lally ang episode. Nahuli na kasi niya sina Eric (Dennis Trillo) at Vincent (Tom Rodriguez, her husband sa serye) at sa sama ng loob, hinimatay at isinugod sa ospital.

Grabe ang reaction ng viewer sa magkasunod na episodes, parang sila si Lally at sila ang niloko ng mga beking sina Eric at Vincent. Intense ang eksena at sa nerbiyos na naramdaman ng viewers, parang suspense ang pinapanood nila. Congrats kay Direk Dominic Zapata na kaya pala inspired dahil may love life! Hahaha!

Ang laki ng improvement ni Carla acting wise sa My Husband’s Lover, hindi siya nagpapahuli kina Dennis at Tom at plus point na ang ganda-ganda niya, walang anggulo at kahit bagong gising, ang ganda pa rin.

Isa pang maganda kay Carla, hindi insecure sa kasi­katan ng TomDen love team at inamin pang fan siya ng love team at siya pa ang president. Kaagaw niya sa pagiging president ng TomDen ang inang si Rhea Reyes na certified fan ng tambalan ng da­lawa.

Siya nga pala, nabisita namin ang thread ng My Husband’s Lover  sa Pinoy Exchange at matutuwa ang GMA Network dahil nagkukusa ang sumusubaybay sa serye na lagyan ng English translation ang bawat episode for the sake of the non-Filipino viewers.

vuukle comment

ANGELIKA SCHMEING

ARTIST CENTER

CARLA

CARLA ABELLA

CARLA ABELLANA

HAYDEN

MY HUSBAND

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with