^

PSN Showbiz

BB hinang-hina nang madatnan ni Mommy Eva

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging kontrobersiyal ang post ni Robin Padilla ng larawan ng anak na si Ali sa kanyang Instagram account kamakailan. Makikita sa nasabing post si Ali na nakikipag-sparring sa kapatid ng aktor na si BB Gandanghari na noo’y nagpapagamot sa ospital. Marami ang nagulat at nagsabing senyales na raw ito ng pagpapatawad at pagtanggap ni Robin sa kanyang kapatid mula nang naging BB si Rustom Padilla.

Naikuwento ng ina nina Robin at BB na si Eva Cariño sa The Buzz kung paano niya isinugod sa ospital ang anak. “Last week tumawag siya (BB) sa akin. Sabi niya, ‘Mama may sakit ako. Hinang-hina na po ako. Mama nagchi-chill na ‘ko, taas ng lagnat ko,” kuwento ni Mommy Eva. Agad daw niyang pinuntahan si BB sa condominium unit nito at nagulat si Mommy Eva nang makita niya ang anak. “’Di ko akalain na ganun dadatnan ko. Siguro ilang araw na siyang may sakit at no’ng hinang-hina na siya at pakiramdam niya mamamatay na siya, doon lang siya tumawag sa akin,” dagdag ni Mommy Eva.

Ayon sa mga doktor ay extreme dehydration daw ang nagdulot ng mga impeksyon sa katawan ni BB na siyang naging dahilan ng pagkakasakit nito. Nagpasya si Mommy Eva na tawagan at papuntahin sa ospital ang mga kapatid ni BB noong mga sandaling iyon. “Tinawagan ko ‘yung mga kapatid niya sina Robin, Rommel, Royette, Rhoda, sa madaling salita dumating kumpleto,” nakangiting kuwento ni Mommy Eva.

Tinawag din daw ni Binoe si BB na ‘Sis’. “’Yung anak ni Robin kasi gusto raw maging boksingero. Tapos sabi ni Robin, ‘Si Tita BB mo noong bata lagi kami nagbubuno niyan, nag-boxing kami, magaling mag-boxing ‘yan. So noong nasa ospital si Ali, inaano niya si Rustom na turuan siya. Ayun, natuwa si Robin. Tita ang tawag sa kanya ni Ali,” dagdag ni Mommy Eva.

Masayang-masaya raw siya nang masaksihan ang mu­ling pagkakasundo ng kanyang mga anak. Nakalabas na mula sa ospital si BB noong Huwebes at patuloy siyang nagpapagaling sa bahay ngayon.  

Hindi na nakapagpigil

Derek na-trauma kay Angelica, sa nonshowbiz na nakipag-relasyon

Isang non-showbiz girl na raw ang bagong kasintahan ni Derek Ramsay ngayon. Ayaw na raw ng aktor na makipagrelasyon sa kapwa artista dahil sa ilang mga personal na bagay. “I have a girlfriend but she’s not from showbiz. I guess I have learned my lesson, it’s magulo (kung artista ang kasintahan),” pahayag ni Derek.

Matatandaang si Angelica Panganiban ang huling artista na nakarelasyon ng aktor at nagkahiwalay sila noong March 2012. “I think it was the right decision to make so that it wouldn’t end up horrible and an ugly mess of a breakup. So I think we handled it well,” dagdag ng binata. Nauugnay din kay Derek ang ilan pang mga artistang babae katulad nina Cristine Reyes at Nadine Samonte pero pinabulaanan ito ni Derek at iginiit na mga kaibigan lamang niya talaga ang mga ito. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                     

vuukle comment

ALI

ANGELICA PANGANIBAN

CRISTINE REYES

DEREK

DEREK RAMSAY

EVA

MOMMY EVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with