^

PSN Showbiz

Pangmomolestiya ng ama sa magkapatid bistado!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bibistuhin ni Julius Babao ang panghahalay ng isang ama sa dalawa nitong anak sa Pinoy True Stories: Bistado ngayong Lunes (Hulyo 8). 

Sa kabila nang paulit-ulit na pangmomolestiya ng ama sa 16 anyos na si Daisy, pinili nitong  protektahan ang mga kapatid na papatayin daw ng ama sa oras na magsumbong siya sa awtoridad.

Samantala, dahil sa kahirapan ay nilisan ni Daisy ang kanilang tahanan upang maghanap ng trabaho at masuportahan ang mga kapatid. Ito ay para na rin matakasan ang ama. Lingid sa kaalaman ni Daisy, bibiktimahin din pala nito ang nakababatang kapatid. Ito ang nagtulak kay Daisy upang dumulog na sa Bistado.

Napanagot ba ng awtoridad ang mapang-abusong ama? Kumusta na si Daisy at nakababatang kapatid nito matapos ang madilim na sinapit sa kamay ng mismong kadugo?

Alamin sa Pinoy True Stories: Bistado ngayong Lunes (Hulyo 8), 4:45 p.m., sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

 

vuukle comment

ALAMIN

BIBISTUHIN

BISTADO

HULYO

JULIUS BABAO

KAPAMILYA GOLD

KUMUSTA

LINGID

PINOY TRUE STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with