^

PSN Showbiz

Kris hanggang kusina at dining area lang ang ipapakita sa bagong bahay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Simula ngayong umaga ay mapapanood natin sa Kris RealiTV ang naging adventure ng mag-iinang Kris Aquino, Joshua, at Bimby sa Singapore. Naki-bonding din ang magkasintahang sina Melai Cantiveros at Jason Francisco para sa isang buong linggong palabas ng nasabing programa. Samantala, ngayon pa lamang ay excited na si Kris para sa paglipat nilang mag-iina sa isang bagong bahay sa susunod na buwan.

“Bahay talaga siya sa south. Magandang village, malapit sa school ni Bimby, and maraming ibang artista na do’n nakatira. So, alam kong very secure and it just felt right. Hinintay ako ng owner kasi ang tagal ng negotiations and then finally natuloy,” nakangiting pahayag ni Kris.

Hands-on din ang aktres sa pagde-decorate ng kanilang bagong bahay.

“Bubusisiin ko talaga ’yung kitchen. Actually, it’s ready for us to move in. It’s just that lalamanan na lang so excited ako. Siyempre pina-feng shui ko so, sa July 16 daw at six in the morning. ’Tapos may mga dayap-dayap pa, may incense, may kung anu-anong fruit na kailangang ipasok. Wala namang masama, gawin na lang. Do’n ako sobrang nae-excite kasi may home na kami, talagang totoong home,” dagdag ng aktres.

Ayaw daw ni Kris na isapubliko ang blessing ng kanilang bagong bahay at hindi rin niya ipakikita sa publiko ang buong kabahayan.

“Regalo ko na rin sa amin ’yung house namin para sa amin lang and ’yung ipapakita ko lang sa inyo is ’yung dining room at ’yung kitchen kasi do’n ko balak mag-cooking portion kasi at least ’yung kitchen na-specify gusto ko and actually ‘yung kitchen area sa house meron na kaming ready na ilalagay na ilaw. May diva lights para madali na magluto. Excited ako,” pagtatapos ng Queen of All Media.

Erik wala nang pakialam sa kinukuwestiyong sekswalidad

Sampung taon na ngayon sa industriya ang pop singer na si Erik Santos. Sa pananatili ng binata ng isang dekada sa showbiz ay wala na siyang ibang gustong gawin kundi ang magbigay ng magagandang awitin sa mga tagahanga. “Singing is what I do best, and feeling ko ’yun ang strength ko. Mag-offer nang mag-offer ng kanta. Masaya o malungkot, iyon ang direksiyon ng career ko, ’yon pa rin,” bungad ni Erik.

Hindi na rin bago sa singer ang mga isyung naglalabasan tungkol sa kanyang sekswalidad. Kaya naman noong Sabado ay tinuldukan na ni Erik sa Showbiz Inside Report ang nasabing balita.

“Noong una, siyempre napipikon ako pero ngayon, kung anuman ’yung ipakita mo sa kanila, hindi mo naman sila mapi-please. Kung anuman ’yung paniniwalaan nila ‘yun pa rin naman ’yung paniniwalaan nila eh. Bahala na kayo sa buhay n’yo,” makahulugang pahayag ni Erik.
Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BIMBY

ERIK

ERIK SANTOS

JASON FRANCISCO

KRIS AQUINO

MELAI CANTIVEROS

QUEEN OF ALL MEDIA

SHOWBIZ INSIDE REPORT

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with