^

PSN Showbiz

GMA tambak ang mga bagong show!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihahandog ng GMA 7 ang mga bago at kaabang-abang nilang mga programa bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang 63rd anniversary.

Una na sa listahan ang television remake ng isa sa mga drama series na tumatak na sa mga ma­nonood, ang Anna Karenina itinatampok sina Barbie Forteza, Joyce Ching, at Krystal Reyes kasama sina Derrick Monasterio, Hiro Pe­ralta, at Julian Trono. Sa ilalim ng direksiyon ni Gina Alajar, na nagsimula na noong Hunyo 3, ay tungkol sa paghahanap ng tatlong babae at kani-kanilang mga pamilya sa tunay na Anna Ka­renina.

Nagsimula rin noong Lunes ang Mga Basang Sisiw. Una na itong naipalabas noong 1981 bilang isang pelikula kung saan bida sina Sheryl Cruz, Janice de Belen, Che Che Perez de Tagle, at Julie Vega. Itinatampok ng Mga Basang Sisiw sina Renz Valerio, Bianca Umali, Kimberly Faye, Hershey Garcia, at Mico Zarsadias. Bibigyang buhay din nina Lani Mercado, Raymond Bagatsing, Gardo Versoza, Mike Tan, at Caridad Sanchez ang iba pang mga karakter. Ka­sama rin sa lead cast ang versatile ac­tress na si Maxene Magalona na gaganap sa isang ispesyal na karakter. Ang Mga Basang Sisiw ay sa ilalim ng direksyon ni Ricky Davao.

Simula naman Hunyo 10, tiyak na magbibigay ng bagong mukha ang GMA Telebabad sa pagsisimula ng isang mapangahas na drama series, ang My Husband’s Lover na inihahandog ang mga karakter nina Carla Abellana, Dennis Trillo, at ang pinakabagong Kapuso na si Tom Rodriguez. Sa ilalim ng direksiyon ni Dominic Zapata, ang programang ito ay siguradong magbibigay ng panibagong timpla sa bawat gabi ng mga Kapuso viewers.

Kasama rin sa listahan ng mga dapat abangan ang Maghihintay Pa Rin simula Hunyo 10. Nagbabalik sa Afternoon Prime block ang Kapuso leading lady na si Bianca King kasama sina Rafael Rosell at Dion Ignacio. Sa direksiyon ni Don Michael Pe­rez, makakasama rin dito sina Ayen Laurel at Kapuso stars na sina JC Tiuseco, Diva Montelaba, Julie Anne Lee, at marami pang iba.

Pagsapit ng Hunyo 15, inihahandog ng GMA Network ang One Day Isang Araw, ang pina­ka­bagong child-frienly na programa na bubuhay sa ima­hinasyon hindi lamang ng mga bata kung hindi pati na rin ang mga matatanda. Magbibigay saya ang mga bata na sina Milkcah Nacion, Marc Justine Alvarez, Joshua Uy, at Jillian Ward tuwing Sabado.

Magbibigay sigla sa umaga ng bawat Kapuso ang nalalapit na pag­sisimula ng all-original morning series na With a Smile. Bumu­buo sa powerhouse cast ng With A Smile sina Andrea Torres, Mikael Daez, at Christian Bautista. Sa direksiyon ni Louie Ignacio. Magsisimula ito ngayong Hun­yo 17.

Maghanda na isang all-out Sunday afternoon dahil magsasama-sama na ang mga pinakamaniningning at pinaka-inaaba­ngang mga Kapuso stars sa pinakabago at pi­naka-exciting na musical-variety prog­ram na Sunday All Stars. Ibang level na noontime TV experience ang siguradong nag-aabang sa mga Filipino viewers.  Si direksyon ni Rommel Gacho.

Bukod sa entertainment programs line-up, inihahandog din ng GMA Films sa mga Kapuso ang dalawang bago at exciting na mga pelikula ngayong taon.

Kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day ng Pilipinas ay ang pagpapalabas ng pelikula mula sa Portfolio Films at GMA Films, ang Dance of the Steel Bars. Sa direksiyon ni Cesar Apolinario at Marnie Manicad, ang pelikulang ito ay kinuhanan mismo sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center kasama sina Dingdong Dantes at international actor Patrick Bergin. Bida rin sa pelikula sina Mon Confiado, Kathleen Hermosa, Thou Reyes, Gabe Mercado, Renee Salud, at Gov. Gwen Garcia. Magsasama naman ang GMA Films at Regal Entertainment para sa pagbabalik-tambalan ng blockbuster love team nina Richard Gutierrez at Marian Rivera para sa pelikulang My Lady Boss.

Ang pelikulang ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Jade Castro at mapapanood simula Hulyo 3.

 

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ANDREA TORRES

ANG MGA BASANG SISIW

HUNYO

KAPUSO

MGA BASANG SISIW

SHY

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with