^

PSN Showbiz

Paulit-ulit na mapapanood ang ginawa ng komedyante: Concert ni Vice kung saan nakatikim ng pang-ookray sina Jessica Soho at Nancy Binay, nasa video na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang naging masyadong epekto kay Vice Ganda ang maraming naging batikos dahil tuloy ang concert tour niya ng I-Vice Ganda Mo Ako. Pero pag-iisipan na raw nilang maigi kung ano ang ilalagay sa concert niya bilang hindi na nga naman niya puwedeng paglaruan at okrayin sina Ms. Jessica Soho at senator-elect Nancy Binay dahil sa negative reaction ng tao sa ginawa nila sa kanyang concert sa Araneta.

At ang bongga, nagamit pa ang isyu sa promo ng kanyang concert tour at video copy nang nasabing concert kung saan naganap ang pang-ookray kina Ms. Soho at kay Ms. Binay.

Teka, kung nasa video na ’yun, walang editing usually ’pag ganyan. Meaning, paulit-ulit na mapapanood ng mga bibili ng video ng concert ang ginawang katatawanan sina Ms. Jessica at Ms. Nancy.

Puwede kayang mag-apela ang dalawa na ipatanggal ang nasabing part ng concert para naman hindi na sila paulit-ulit na paglaruan?

In fairness sa gay comedian, naaliw ang mga nanood sa part na ’yun. In fact, maging si Ms. Charo Santos-Concio ay tawa nang tawa. Pero hindi makatarungan na paglaruan ang dalawang personalidad na iginagalang.

Well, tingnan na lang natin ang mga mangyayari dahil may nagsasabi na dapat idemanda si Vice dahil sa ginawa niyang pangbabastos.

Concert ni Sarah sa Amerika dinagsa

Dinagsa ng mga Pinoy sa Amerika ang  24/SG US concert tour na isinasagawa ni Sarah Geronimo na nag-umpisa noong May 25 sa San Francisco (ang iba pang concert ay noong May 26 sa Arizona, June 1 sa San Diego, California at June 2 sa Los Angeles, CA).

Ang 24/SG ay ang matagumpay na concert ni Sarah sa Smart Araneta Coliseum last year para sa kanyang 24th birthday.

Kung sabagay, matagal-tagal ding hindi naka­pag-US Tour si Sarah kaya siguro nasabik talaga ang mga Pinoy sa mga nasabing lugar.

Anyway, kandidata na sa pagka-box office queen si Sarah matapos lumabas ang resulta na ang pelikula na nila ni John Lloyd Cruz na It Takes A Man And A Woman ang may pinaka-malaking kinitang pelikulang Pinoy. Sa kasalukuyan ayon sa report, ito ay kumita na ng P401 million. Naunahan na nito ang pelikulang Sisterakas na kumita noong 2012 Metro Manila Film Festival  ng P391.40 million ayon sa mga report.

Ritz Azul hiyang-hiya nang makipaglaplapan kay Christopher De Leon

Hindi makapaniwala si Ritz Azul nang sabihin sa kanyang magiging bida siya sa isla-serye na Misibis Bay kung saan kapartner pa niya ang batikan at magaling na aktor na si Christopher de Leon na sino-shooting hanggang sa kasalukuyan mismo sa magandang Misimis Bay resort sa Cagraray Island na halos isang oras na biyahe mula sa airport ng Albay.

“Sobrang nahihiya ako sa kanya. But he said no, huwag kang mahihiya. Sobrang bait niya. Ang first scene namin was doing a lap dance on him kasi dancer ako rito. May dancer sa set to teach me how to do it. Once nag-take na, my role as Maita took over at nawala si Ritz,” sabi ng actress sa presscon na ginanap mismo world class resort sa Bicol.

At palaban daw siya sa role na ito. “Gusto ko ang role ko rito kasi ibang-iba sa mga nagawa ko na. Squatter ako rito, I take care of my lola, palaban sa buhay. May twists sa story. May revenge plan ako. It’s a very challenging role and I want to thank TV5 for trusting me na makakaya kong gawin ito. Actually, lahat ng characters dito, may secrets and hidden agenda,” kuwento ni Ritz.

So, gaano naman siya ka-daring dito?

“Puro two-piece na ako. Talo pa ’yung ginawa ko sa FHM. May love scene kami ni Mr. Christopher. Siyempre, may limitations naman kasi for TV ito. I trust our directors, Monti Parungao and Jon Red. I know hindi naman ako mababastos dito,” sagot ni Ritz.


At dahil 19 lang siya, kinailangan niyang magpaalam sa kanyang parents.

“They told me it’s up to me to make the decision, they’ll just be here to support me,” sabi niya.

Naunang binigyan ng big break si Ritz sa Mga Nagbabagang Bulaklak at nasundan ito ng Gla­morosa at ang katatapos na Kidlat opposite Derek Ramsay.

Siya si Maita Ramirez sa Misibis Bay, a young lady who marries an older businessman, sa pag-aakalang ito na ang mag-aahon sa kanya sa mi­serableng buhay. Pero mas malala ang nangyari sa kanya.

Magsisimula itong mapanood next month.

 

vuukle comment

AKO

AMERIKA

CAGRARAY ISLAND

CONCERT

MISIBIS BAY

PERO

PINOY

RITZ AZUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with