^

PSN Showbiz

Pagkawala ni Amalia, expected na

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Naging visible si Marian Rivera sa mga showbiz event mula nang magpalit siya ng manager pero dapat niyang piliin ang mga showbiz function na pinupuntahan.

SCENE : Hindi napanood ang mga programa ng GMA 7 sa Skycable noong Lunes ng gabi.

SEEN : Ang social media ang ginagamit ni Jackie Forster sa pagpaparating ng pagmamahal at pangungulila  niya sa kanyang estranged sons na sina Kobe at Andrei. Sa TV na lang nakikita ni Jackie ang mga anak nila ng kanyang ex-husband na si Benjie Paras.

SCENE : Napakinabangan ni Josh Aquino ang hilig niya sa tubig dahil naging mahusay siyang swimmer. Si Josh ang anak ni Phillip Salvador kay Kris Aquino.

SEEN : Walang nagulat nang mawala si Amalia Fuentes sa cast ng Muling Buksan ang Puso ng ABS-CBN dahil hindi siya sanay sa maghapon at magdamagan na taping. Maraming naririnig na reklamo sa kanya.

SCENE : Pinanghina­yangan ng iba ang pagkawala ni Amalia Fuentes sa Muling Buksan ang Puso dahil ngayon lamang sila magkakasama sa isang teleserye ng kanyang arch-rival na si Susan Roces.

SEEN : Si Helen Gamboa ang request ng fans na ipalit sa role ni Amalia Fuentes sa Muling Buksan ang Puso na maaaring maging another Walang Hanggan dahil kasama sa cast sina Susan Roces at Julia Montes.

SCENE : Ang article ni Bum Tenorio ng Philippine Star tungkol sa “coming out” party ni Charice nang ipagdiwang nito ang 21st birthday noong  May 10. Bagay na bagay kay Charice ang title ng article na “ You’re the man, Charice!”

vuukle comment

AMALIA FUENTES

BENJIE PARAS

BUM TENORIO

CHARICE

JACKIE FORSTER

JOSH AQUINO

JULIA MONTES

MULING BUKSAN

PUSO

SUSAN ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with