^

PSN Showbiz

Ser Chief, umiiwas sa tukso

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masasabing isa si Richard Yap sa mga pinakasikat na aktor ngayon dahil sa hit serye nila ni Jodi Sta. Maria na Be Careful With My Heart.

Maraming tukso at temptasyon daw ang umaaligid kay Richard pero hindi siya nagpapadala rito. “I think at my age I know better. I know that you have to keep yourself away from these things and something that’s not right, you stay away from it agad. And my wife is always with me so that helps me also to stay grounded, good, so you know. You also have to think of your family,” paliwanag ni Richard. Aminado naman ang aktor na posible siyang matukso kung nagkataong mas bata-bata pa siya ngayon. “Hindi ko na kasi naiisip ‘yung ganun because I am here for work. Siguro if I was younger siguro maisip ko pa ‘yun pero ngayon hindi ko na naiisip na magba-bar. Tapos na kami diyan,” giit ni Richard.

Nagpapasalamat ang aktor dahil patuloy siyang sinusuportahan ng kanyang mga tagahanga. “Nakakatuwa siyempre, you make people happy so for me kung ‘yun lang ang magpapasaya sa mga tao, okay na para sa akin ‘yun. Kasi we are here in this world for a reason and if you can make other people happy that’s already a very satisfying job,” nakangiting pahayag ni Richard. Ayon pa sa aktor ay wala naman daw nagbago sa sarili kahit sikat na sikat na siya ngayon.  

Janela pangarap maging bida sa MMK

Anak si Janela Salvador  ng mga sikat na singers na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador. Mas kilala si Janela bilang si Nikki sa Be Careful With My Heart. Malaki raw ang naitulong sa dalaga ng kanyang role sa nasabing serye dahil mas nakilala siya ng mga tao dahil dito. Malaki ang pasasalamat ng dalaga dahil nabigyan siya ng pagkakataong makasama sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria sa isang proyekto. Masaya raw na makatrabaho ang dalawang bida sa kanilang programa. “He’s very funny, he likes to make faces like kunwari pag nandidiri siya, ganun. Tapos si Tita Jods, she’s very talkative and she’s funny din,” paglalarawan ni Janella.

Masuwerte raw ang young star dahil napabilang siya sa pinakabagong batch ng Star Magic artists na inilunsad kamakailan. “I felt so happy like I was just eating at that time and then I found out, wow. And then many people dream to be launched in Star Magic and I’m so thankful na kasama ako,” kuwento ng dalaga.

Bukod sa pag-arte ay kaya rin daw ni Janela na tumugtog ng piano at gitara.

Samantala, pangarap raw ni Janela na makapagbida sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

-Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BE CAREFUL WITH MY HEART

JANELA

JANELA SALVADOR

JENINE DESIDERIO

JODI STA

JUAN MIGUEL SALVADOR

MAALAALA MO KAYA

MALAKI

RICHARD YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with