^

PSN Showbiz

Ara gusto munang manahimik­

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi madi-deny na sinusu­baybayan nang husto ang Bukod Kang Pinagpala ng GMA 7.

Katakut-takot na panlalait ang inabot ni Jackielou Blanco dahil sa wig na suot.

Halatang wig na wig kasi ang suot nito na meron pang nagkokomentong mabuti raw at hindi tumalsik ang pekeng buhok niya sa sampalan scene.

Pero dedma si Jackie sa mga nanlalait sa kanya. Ang mahalaga ay marami raw ang nakapansin at ibig sabihin sinusubaybayan na ang drama show nila.

PAK: Finally, gagawa na rin si Lorna Tolentino ng indie film. Gagawin ng aktres ang kuwento ng buhay ni Mrs. Edith Burgos na ina ni Jonas Burgos na hindi pa rin nakikita hanggang nga­yon pagkatapos nitong mawala ilang taon na ang nakakaraan.           

Nakatakdang i-meet ni Lorna si Mrs. Burgos para makilala niya ito nang husto.

BOOM: Nakiusap si Ara Mina na hindi muna siya magsasalita tungkol sa pagbabati nila ni Cristine Reyes dahil mas ma­buting tahimik na lang muna siya para ma-enjoy niya muna ang bonding nilang magkapatid.

Text sa amin ni Ara, “Gusto ko muna sana ng quiet time with my family at i-enjoy itong moment para naman maka-catch up kami sa mga panahon na nawala sa amin.”

Ang mommy raw nila ang pinakamasaya sa lahat nang sinorpresa nila ito nung Linggo.

Walang ginawa ang mommy niya kundi umiyak nang umiyak nang nakitang magkasama silang dumating

ARA MINA

BUKOD KANG PINAGPALA

CRISTINE REYES

JACKIELOU BLANCO

JONAS BURGOS

LORNA TOLENTINO

MRS. BURGOS

MRS. EDITH BURGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with