^

PSN Showbiz

Pelikula nina John Lloyd at Sarah kinasasabikan na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Apat na taon din ang binilang bago muling nagtambal sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa pelikula sa pamamagitan ng It Takes a Man and A Woman na muling pinamahalaan ni Direk Cathy Garcia-Molina. Unang nagtambal sina Sarah at Lloydie sa super hit movie na A Very Special Love noong taong 2008 at ito’y sinundan ng You Changed My Life nung taong 2009. Kaya ganoon na lamang ang pagkasabik ng kanilang mga tagahanga sa muling pagsasama sa pelikula ng dalawang hot stars.

Although at 25 ay loveless pa rin ang Pop Princess na si Sarah not because wala siyang manliligaw kundi choice niya ito o ng kanyang pamilya.

Wala mang romantic involvement sa isa’t isa sina Sarah at Lloydie, aminado ang dalawa na merong kakaibang magic o mystery ang kanilang tambalan bagay na sinang-ayunan ng mga dumalong entertainment press.

Hindi rin ikinakaila ng dalawang bida ng It Takes a Man and a Woman na pareho silang nag-mature ni Lloydie at marami rin silang mga natutunan  sa loob ng apat na taon na dumaan sa kanilang buhay. Inamin din ni Sarah na kumportable siya kay Lloydie at kahit personal na bagay ay kaya niyang ibahagi rito. At buo naman ang respeto ng kasintahan ni Angelica Panganiban sa kanyang kapareha.

Kung apat na taon ang ipinaghintay ng mga tagahanga nina Sarah at Lloydie sa kanilang balik-tambalan, tiyak na patok na naman ang kanilang ikatlong installment dahil trailer pa lamang ng pelikula ay marami na ang kinikilig at natutuwa.

Manager nina Ogie at Lovi hindi pa tapos mag-isip

Ayaw pa ring magsalita ang mga taga-Kapuso Network sa istado ng kontrata ni Lovi Poe kung ito’y muling magre-renew o tuluyan nang lilipat sa Kapamilya Network kung saan ito may standing offer.

Kung tutuusin, walang dapat ipagtampo si Love sa Kapuso Network dahil hindi naman siya pinababayaan at hindi siya nawawalan ng proyekto rito bukod sa pawang magagandang projects ang ibinibigay sa kanya. Pero ang final decision ay wala kay Lovi kundi sa kanyang manager na si Leo Dominguez.

Matagal nang may lumulutang na balita na lilipat umano si Lovi sa Kapamilya Network kapag nag-expire ang present contract nito sa Kapuso Network. Ganoon din ang kaso ni Ogie Alcasid na lilipat na umano ng Kapatid Network. Si Leo din ang manager ni Ogie.

 Tulad ni Lovi, maganda rin ang status sa GMA 7 ni Ogie at walang dahilan upang lisanin niya ang kanyang TV Network na naging tahanan niya since 1996. Since walang permanenteng bagay sa mundong ito, hindi imposibleng matuloy ang paglipat nina Ogie at Lovi. 

Showbiz nagluluksa sa mga namayapang kasamahan sa trabaho

Patuloy na nagluluksa ang industriya ng pelikulang Pilipino sa  pagpanaw ni Direk Danny Zialcita at ng dalawang kasamahan natin sa panulat na sina Monching Jaramillo at Kuya Mar de Guzman Cruz na parehong naging editor ng ilang entertainment magazines. Before Kuya Mar’s death, may regular radio program din ito sa DZXL, ang Showbiz Power na may kung ilang dekada na ring sumasahimpapawid.

Sa mga mahal sa buhay na iniwanan nina Direk Zialcita, Monching, at Kuya Mar, ang aming taos pusong pakikiramay.

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

ANGELICA PANGANIBAN

BEFORE KUYA MAR

KAPAMILYA NETWORK

KAPUSO NETWORK

KUYA MAR

LLOYDIE

LOVI

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with