^

PSN Showbiz

Maja hindi na pinaniniwalaan! Danny Zialcita namatay na

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi na kinakagat ng mga tao ang laos na press release ni Hayden Kho, Jr. na nililigawan niya uli si Dr. Vicki Belo.

SCENE: Laos na rin ang press release ni Maja Salvador na wala pa silang relasyon ni Gerald Anderson dahil nililigawan pa lamang siya ng aktor. Hindi na nila kailangang umamin.

SEEN: Si Jessy Mendiola ang bida sa remake ng Mexican telenovela na Maria Mercedes ng ABS-CBN.

SCENE: Sumakabilang-buhay noong Lunes ang direktor na si Danny Zialcita. Si Danny ang direktor ng mga pelikulang Dear Heart, Langis at Tubig, T-Bird at Ako, To Love Again, Palabra de Honor, at Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi. Pamangkin ni Danny ang Kapuso star na si Gino dela Peña.

SEEN: Kinansela ang concert kahapon ni Justin Bieber sa Pavilhao Atlantico, Lisbon, Portugal dahil sa mababang benta ng tickets.

SCENE: Sold out na ang tickets sa second major concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Smart Araneta Coliseum sa March 15. Ayaw sabihin nina Wally at Jose ang pangalan ng kanilang surprise guest dahil surprise nga ito.

SEEN: Matutuloy na ang television project ni Ro­xanne Guinoo sa GMA 7. Siya ang leading lady ni Raymart Santiago sa Home Sweet Home.

Nagbuntis si Roxanne noong nakaraang taon kaya pinalitan siya ni Jolina Magdangal sa My Daddy Dearest.

SEEN: Nagpahayag si Bianca Manalo na happy siya sa relasyon ng kanyang ex-boyfriend na si John Prats at ng girlfriend nito na si Isabel Oli.

 

vuukle comment

BIANCA MANALO

DANNY ZIALCITA

DEAR HEART

DR. VICKI BELO

GERALD ANDERSON

HAYDEN KHO

HOME SWEET HOME

ISABEL OLI

JOHN PRATS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with