^

PSN Showbiz

‘Papa’ may kinalaman, aktres na dating friendly biglang naging mailap sa mga bisita

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Dumalaw minsan ang ilang press people sa taping ng isang show sa telebisyon kung saan mainstay ang aktres sa kuwento namin ngayon. Laking gulat ng press nang dumating sa set dahil nang makita sila ay bigla itong nagtago at ’di na lumabas sa kanyang dressing room.

Dati rati kasi ay super ganda ng PR skills nito at halos lahat ng entertainment press ay mahal ang aktres dahil hindi lang ito matsika kundi generous pa.

Ang duda nila may kinalaman sa pakikipaghiwalay niya sa mayamang ‘papa.’

Daniel kumpleto ang araw ‘pag kasama si Kathryn

Kung kinakabahan si Kathryn Bernardo sa launching movie nila ni Daniel Padilla na Must Be… Love ay wala namang kakaba-kaba ang bagong matinee idol na bagets.

Sabi nga nito: “Naniniwala ako na magiging maganda ang kita nito sa takilya.  Confident ako dahil may tiwala ako sa fans na sumusuporta sa aming tam­balan ni Kat. Maganda na maging positive sa kikitain ng pelikula.’’

Hindi lang si Direk Dado Lumibao ang nakakasaksi sa sweetness ng magka-love team kundi gayundin ang mga kasamahang artista. Kapag mag­kasama ang dalawa ay kinikilig na sila.

‘‘May sariling mundo sina Kat at Daniel. Silang dalawa lang lagi ang nag-uusap,’’ sabi ni Direk.

Ayon kay Daniel ang nagustuhan niya kay Kat ay ang pagiging simple nito at karinyosa. Bagama’t bata pa sila ay priority muna nila ang career. Ang mahalaga ay masaya sila sa isa’t isa.

‘‘Kumpleto ang araw ko kapag kasama ko si Kat,’’ pahabol pa ng aktor.

Palabas na sa mga sinehan nationwide ang Must Be… Love sa Marso 13 mula sa Star Cine­ma.

vuukle comment

AYON

BAGAMA

DANIEL PADILLA

DATI

DIREK

DIREK DADO LUMIBAO

KATHRYN BERNARDO

MUST BE

STAR CINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with