^

PSN Showbiz

Aktres na mukhang bagong tapyas ang mukha naging mailap, tumakas para hindi maurirat

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Agad umalis sa presscon ng kanyang pelikula ang aktres. Hindi na siya na-interview ng solo at matagalan ng press. Ang dami pa namang gustong itanong ng mga reporter sa aktres na ang laki nang ipinagbago ng hitsura at complexion.

Dati nang maganda ang aktres at maputi, pero ngayon, ang ganda-ganda lalo at ang puti-puti pa. Nasubaybayan ng press ang pagsisimula sa showbiz ng aktres at talagang ang laki nang ipinagbago ng pisikal nitong anyo.

Nakadagdag sa pagbabago ng dating ng aktres na pumayat ito at bago ang hairstyle, kaya bonggang-bongga na siya at pang-leading lady na ang dating. Parang may binago sa mukha, parang may tinapyas o baka naman dahil pumayat lang ang dalaga.

Kung anuman ang binago sa mukha ng aktres, kung may ipinaayos at may binawasan, bumagay sa kanya. Pero gusto pa rin siyang makausap ng press para malaman sana ang sikreto nang bongga niyang pagbo-bloom!

Hero Angeles nanibago sa pag-arte

Sa kuwento ni Ronnie Ricketts sa presscon ng The Fighting Chefs, fan ni Chef Boy Logro ang asawa niyang si Mariz na line producer ng movie. Pinapanood ni Mariz ang cooking show ng celebrity chef sa GMA 7, kaya hindi na siya nahirapang maghanap ng totoong chef na isasama sa nasabing pelikula.

Bale ba malakas ang humor ni Chef Boy, kaya swak na swak sa pelikulang action/comedy at puwede ring cooking show dahil tungkol sa mga chef at pagkain ang pelikula sa direction ni Ronnie.

Kasama sa cast si Hero Angeles na muling nagbabalik-showbiz. Three years ago pa ang last movie niya, ang Sundo nina Robin Padilla at Sunshine Dizon kaya nanibago siya. Saka, first action/comedy movie niya ito at lalong nag-enjoy dahil love niya ang pagluluto.

Wish ni Hero na may kasunod siyang project dahil seryoso na uli siya sa showbiz pero nag-react nang tanungin kung ready siya sa sexy role. Hahaha!

Showing sa March 6, ang The Fighting Chefs, sa March 4 ang premiere night sa Robinsons Galleria. Sa March 3, may mall show ang cast sa Robinsons Pioneer at may cooking demo sila, kaya go na!

WendelL maligaya na sa TV5

Hindi problema kay Wendell Ramos kung may mga bagong dagdag na cast sa Kidlat na magiging kontrabida ni Derek Ramsay.

Hindi rin takot si Wendell sa galit ng fans sa kanya ’pag kinakalaban niya si Kidlat, mas gusto niya ’yun dahil ibig sabihin napapansin siya at ginagawa niya ng tama ang kanyang role bilang si Graba Man.

Masaya sa TV5 si Wendell at walang balak lumipat ng ibang network. Naintriga nga kami dahil narinig naming may kausap itong executive ng GMA 7 at nang usisain ay nagkumustahan lang daw sila ng bossing ng Kapuso Network.

Walang alam si Wendell sa isyung lilipat sa TV5 si Ogie Alcasid pero kung matuloy, ibubulong niya rito na magkaroon sila ng gag show.

“Nami-miss ko ang gag show at comedy show at na-miss ko sila (mga taga-Bubble Gang),” sabi ng aktor.

Ipe hindi pinairal ang pagiging pakialamero

Nagulat si Phillip Salvador na pati siya ay idina­da­may ng ilang fans sa galit sa pamangking si Maja Salvador dahil lang nililigawan o girlfriend na ito ni Gerald Anderson. Tama nga naman ang aktor, wala siyang kinalaman kung totoong may relasyon man ang dalawa dahil walang kinukuwento sa kanya si Maja at hindi rin humihingi ng payo tungkol sa love life.

Lalong magagalit ang kontra sa Gerald-Maja relationship sa sinabi ni Phillip na kilala niya ang aktor at gentleman ito. Ang message ni Phillip sa fans ay “God bless them! Bahala ang Panginoon sa kanila. Kung galit man sila sa akin, ako hindi galit sa kanila.”

Anyway, kasama si Phillip sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Unforgettable sa role ng isang lawyer. Challenge ito sa kanya dahil first time niyang gaganap na lawyer at kailangan niyang pag-aralan ang kilos at pananalita ng isang abogado.

Dream come true rin sa aktor ang soap dahil ang favorite leading lady niya at pinakamagaling na Filipina actress na si Gina Alajar ang kanyang direktor. Sa Monday, after Eat Bulaga ang time slot ng Unforgettable.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

BUBBLE GANG

DAHIL

FIGHTING CHEFS

HERO ANGELES

NIYA

PHILLIP

SIYA

WENDELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with