^

PSN Showbiz

Gabby hinihingian ng payo ni KC sa love life pero ayaw makialam

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay napabalita na isang French na ang nanliligaw kay KC Concepcion, si Pierre Emmanuel Plassart. Pero ayon kay Gabby Concepcion, hindi pa naman nila napag-uusapan ng anak ang tungkol sa binata. Hindi rin daw kasi tinatanong ng aktor ang anak tungkol sa buhay pag-ibig nito.

“’Di ko siya tinatanong, hindi ko alam. Siguro nahuli na talaga ako sa balita. Hindi ako nakikialam sa relationship niya,” seryosong pahayag ni Gabby.

Hindi man nila masyadong napag-uusapan ang buhay pag-ibig ni KC ay may mga pagkakataon na nagpapayo si Gabby sa anak.

“Nag-uusap kami. In fact siya ’yung madalas magtanong like, ‘As a boy or as a man, Pa, how do you do…’, kumukuha siya ng insights. Madalas ko namang sinasabi, ‘When you fall in love, fall in love with your heart. Use your mind also. Basically, just follow your feelings, your instinct. Sa buhay kasi ’di naman puwedeng puro puso, of course, doon nag-uumpisa,” kuwento ni Gabby.

Samantala, walang naging tampo ang aktor kay Piolo Pascual noong nagkahiwalay sila ni KC noon.

“Wala eh. Hindi naman ako ang may relasyon. Ang sa atin, kahit ang dinadaanan niya nasasaktan tayo. Masaya siya, masaya tayo. Automatic ’yun eh,” pagtatapos ng aktor.

Wala rin daw isyu kay Gabby kung artista o hindi ang makakarelasyon ng kanyang anak basta nagmamahalan ang mga ito.

Masterchef winner uunahin na ang kasal sa GF

Noong Sabado ay itinanghal na ang kauna-unahang MasterChef Pinoy Edition champion na si JR Royol. Hindi inaasahan ng binata na mapapa­hanga niya ang mga naging hurado noong live Cook Off na sina Kris Aquino at Richard Gomez. Si JR ang kaisa-isang lalaki na nakasama sa Top 4 ng nasabing programa.

“Honestly from the start hindi ako nag-e-expect na ako ’yung mananalo. I’m just doing my thing, not to expect na ako ’yung mananalo. Pero siyempre inisip ko na ako sana. Pagkarinig ko ng pangalan ni Ate Carla (2nd placer), namanhid lang ’yung pakiramdam ko eh, na parang lahat nag-freeze. Looking back sa journey namin, lahat kami ditong contestants, we never thought that this is possible. So, nakakapangilabot,” nakangiting kuwento ni JR.

Eksakto na 29 years old na ngayon ang Rakistang Kusinero mula sa Benguet. Matutupad na rin daw ni JR ang pangarap na mapakasalan ang kanyang kasintahan dahil sa kanyang nakuhang mga premyo.

“Unang-una, ’yung long overdue na wedding, and of course, one million is for me napakalaking halaga for just one person. So sa family ko mapupunta. Noong December pa lang ako nakapag-set ng mga plano ko sa buhay. Nag-resign na ako sa trabaho and magtutuluy-tuloy na ako sa culinary. I’m looking forward to learning from the bests. Kina Chef Gene and Chef Gino (Gonzalez),” giit pa ni JR.        Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ATE CARLA

COOK OFF

GABBY CONCEPCION

KINA CHEF GENE AND CHEF GINO

KRIS AQUINO

NOONG DECEMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with