^

PSN Showbiz

Cesar hindi natinag ng intriga, Turning Cradle tapos na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi natinag ng mga intriga si Cesar Montano. Natapos pa rin niya sa oras ang big-budget bio-pic na The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim. Kamakailan lang nang pag­piyestahan ang tungkol sa si­na­sabing paghihiwalay nila ng asawang si Sunshine Cruz dahil sa isang starlet na kasama rin niya sa pelikula, si Krista Miller. Pero hindi pinatulan ng aktor ang mga balita, mas nag-focus siya sa naturang pelikula kaya madaling natapos.

Inabot din ng kung ilang buwan ang paggawa nito dahil sa matinding research na kailangan at ang mabusising pagpaplano at execution ng mga eksena nila.

Nov. 26 nang magsimulang gumiling ang kamera sa pelikula ng buhay ni Manila Mayor Alfredo Lim. At since then ay wala na silang tigil sa trabaho araw-araw.

At natagalan din sila sa paghahanap ng perfect leading lady na ang final choice ay si Alessandra de Rossi.

At dito naipakita talaga ni Cesar ang pagiging professional na hindi basta-basta naaapektuhan ang trabaho bilang beterano na siya.

Itinuloy niya ang paggawa ng pelikula at madalas silang nag-uusap ni Mayor Lim dahil nagdesisyon silang maging truthful and authentic sa kuwento at maipakita ang human side ng pulitiko.

Though binigyan ng mayor ng full liberty si Cesar kung paano gagawin ang pelikula, hindi nagpabaya ang actor at director din ng movie.

“Although the people would see that Mayor Lim can be considered as modern-day hero for all his achievements and service to the people, what will strike viewers more is that like everyone else he is just a guy with a back story but a very colorful one at that. Definitely worth filming,” sabi ni Cesar sa story­line.

Sisimulan sa pelikula ang bahagi na ipinaampon ang mayor sa Hospicio de San Jose. Namatay ang tatay niya at nag-asawa uli ang ina niya at titira na sa Baguio pero ayaw magdala ng anak. Kaya siya iniwan sa orpha­nage na Hospicio, sa turning cradle.

Others in the cast of the Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim are Noni Buencamino, Gina Pa­reño, Gloria Romero, Jackielou Blanco, Alvin Anson, Rommel Montano, Tirso Cruz III, Marc Abaya, Isabel Granada, Richard Quan, Ara Mina, among others. The film opens in theaters nationwide on Feb. 27.    

Mikael at Andrea malungkot sa pag-babu ng sana…

Namamayagpag pala sa ratings ang Afternoon Prime program ng GMA 7 na Sana ay Ikaw na Nga (SAINN) na pinagbibidahan nina Mikael Daez at Andrea Torres simula nang ito ay umere noong Sept. 3.

Base sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) overnight ratings naka­pagtala ng average household TV rating ang Sana ay Ikaw na Nga ng 15.1% at naunahan ang kalaban nitong programa na nakakuha lamang ng 10.1% mula Sept. 3 hanggang Nov. 16, 2012.

Ayon sa datos noong Nov. 19, 2012 hanggang Jan. 25, 2013 (Jan. 20-25 ay base sa overnight data), patuloy na nanguna ang SAINN.

Ibinahagi ni Mikael na ang kanyang kauna-una­hang teledrama na pinagbidahan ay isa sa mga highlights ng kanyang career.

“I will surely miss portraying the character of Carlos Miguel. It opened so many doors for me and I’ll be forever thankful to all the people who supported me and Sana ay Ikaw na Nga,” dagdag pa niya.

Samantala, naging emosyonal naman si Andrea sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang serye. “Nakakalungkot man na matatapos na ’yung programa na minahal namin at ng mga manonood, natutuwa naman ako na sobra kaming tinutukan at nangu­nguna pa sa ratings. Kaya taos-puso kaming nagpapasa­lamat sa lahat na naging bahagi ng buhay nina Carlos Miguel at Cecilia.”

Nalalapit na ang pagtatapos ng Sana ay Ikaw na Nga sa GMA’s Afternoon Prime.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

CARLOS MIGUEL

IKAW

MAYOR LIM

SANA

SHY

TURNING CRADLE

UNTOLD STORY OF ALFREDO LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with