^

PSN Showbiz

Wendell papatol sa menor de edad!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dodonselyahin ni Wendell Ramos sa lampu­ngan at sisibasibin ang mga labi ang dating teen star na si Meg Imperial sa launching movie nitong Menor de Edad under Viva Films. Napapanood dati si Meg sa TV5 shows pero hindi pa rin tumatatak sa amin ang hitsura o ang pangalan niya!

Mabuti na lang at nagdesisyon siyang ibuyangyang na ang katawan dahil kung mananatili siyang pakyut, malamang na walang kahinatnan ang kanyang career!

Eh binigyan naman ng mahusay na director si Meg sa movie, si Joel Lamangan. Ang pinaka-bold movie na natatandaan naming ginawa ni Joel ay ang Warat na isa sa pinag-usapang movie ni Bb. Joyce Jimenez.

Saka matino namang leading man si Wendell na walang record na mapagsamantala sa mga kaparehang babae.

ʉ۪Yun nga lang dahil unang ni-launch ang bagong sex goddess na si Yam Concepcion sa Rigodon, kailangang huwag magpatalbog si Meg kay Yam nang sa gayon ay malaman ng publiko kung sino ba sa kanila ang dapat bansagan na sex goddess!

Vandolph pinag-iisipan kung lilipat na ng Baguio

Nagustuhan ng asawa ni Vandolph na si Jenny ang klima sa Baguio City matapos manatili silang mag-anak doon noong holidays. Kaya naman nilalam­bing ni Jenny na roon na lang sila tumira at magnegosyo.

Pero nagdadalawang-isip pa raw si Vandolph sa hiling ng asawa. Malaking effort nga naman sa parte niya ang mamahay sa Baguio lalo na nga’t sa kabihasnan ang kadalasan niyang trabaho.

Sa Baguio pinalipas ni Vandolph at pamilya niya ang Pasko’t Bagong Taon dahil nawala na ang tradisyon ng Quizon clan na magsama-sama tuwing noche buena sanhi ng pagkamatay this year ng Daddy Dolphy niya.

Lulong naman pala sa masamang bisyo young actor nag-iinarte pa sa indie film, natsugi naman sa regular show ng home network!

 Nag-inarte ang isang young actor nang i-offer sa kanya ang isa sa mga role sa isang indie film. Eh produkto rin naman siya ng indie film bago napunta sa mainstream kaya nagtataka ang producer sa inasal niya.

Feel kasi ng young actor ang indie film na may art-art eklabu. Wa raw niya type ang komersiyal na konsepto ng indie.

Mabuti na lang at hindi ipinagpilitan ng producer na kunin ang young actor. Dahil kung siya ang kinuha sa ginagawang indie, baka nagkanda-letse-letse ang sked ng shooting ng movie!

Bad shot kasi ngayon ang young actor sa kanyang network dahil sa diumano’y pagkalulong sa bisyo na naging sanhi ng pagkakasibak ng regular show niya!

vuukle comment

BAGONG TAON

BAGUIO CITY

DADDY DOLPHY

JOEL LAMANGAN

JOYCE JIMENEZ

MEG IMPERIAL

NIYA

SA BAGUIO

VANDOLPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with