^

PSN Showbiz

Barbie inisnab ng MMFF

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Halos lahat ng entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012 ay napanood namin at naaliw kami sa Sosy Problems ng GMA Films. Naaliw kami sa apat na bidang sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff, Bianca King, at Rhian Ramos.

May mahalagang mensahe ang pelikula tungkol sa pagkakaibigan na hindi kayang tapatan ng pera.

Sa kabilang banda, nag-iisip kami at ang iba pa kung bakit nanalong best supporting actress si Wilma Doesnt gayung kakaunti lang ang role niya sa Sisterakas dahil pasulput-sulpot lang? Wala siyang ipinakitang matinding eksena o moment sa acting.

Bakit hindi kinunsider si Barbie Forteza na maganda ang acting sa Sosy Problems?

Vic at Pauleen nag-beach at nag-road trip

Bagama’t wala pa ring pag-amin sa relasyon nina Vic Sotto at Pauleen Luna na laging sinasabi ni Bossing ang mga katagang ‘‘what you see is what you get’’ ay totoo ngang may namamagitan na sa dalawa.

Magkasama silang nag-beach at nag-road trip sa Baguio after Christmas. Kita namang bumata si Bossing at may glow ang mga mata ni Pauleen.

Sana naman tumagal din ang kanilang relasyon at magkasama ang da­lawa sa isang proyekto. Puwede raw sa remake na Jack and Jill na isang comedy. Bakit nga hindi, ’di ba?

Jack Reacher lalabas na!

Bukas na ang advanced screening ng Jack Reacher na tatampukan ni Tom Cruise at inaabangan na ito ng mga manonood na mahilig sa maaaksiyong pelikula. Ito ang pambungad na pelikulang handog ng Solar at United International Pictures.

Isang matinik na ex-army at military investigator si Tom Cruise sa pelikula. Si Jack Reacher ay isang astig, matalino, may sariling paninindigan sa buhay, at ahente ng hustisya.

Umaatikabong aksiyon ang mapapanood simula Jan. 9 sa inyong paboritong mga sinehan.

 

vuukle comment

BAKIT

BARBIE FORTEZA

BIANCA KING

HEART EVANGELISTA

JACK AND JILL

JACK REACHER

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SOSY PROBLEMS

TOM CRUISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with