^

PSN Showbiz

Ryzza Mae kayang-kaya nang mag-host ng mall show

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi ang pelikula ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang inindorso ni Sen. Loren Legarda kundi ang kay Nora Aunor na Thy Womb dahil sa mga parangal na natamo nito sa ilang international film festival.

Kamakailan lang ay nagwagi ang Thy Womb ng La Navicella Venezia Cinema Award at P. Nazareno Taddei Award Special Mention sa nakaraang 69th Venice International Film Festival at si Direk Brillante Mendoza naman ang nagwaging best director sa 2012 Asia Pacific Screen Awards sa Australia. Kaya nagpasa si Sen. Legarda ng Senate Rosolution 871 na bigyan ng pagpapahalaga ang mga natamong karangalan ng pelikulang ito ni Direk Brillante.

Pero iimbitahin naman si Sen. Legarda sa premiere night ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako sa Dec. 20 na gaganapin sa Cinema 9 at 10 ng SM Megamall, at inaasahang dadalo ito para suportahan naman ang pelikula ni Sen. Bong.

PAK: Hindi maitatangging si Ryzza Mae Dizon ang pinakamainit na child star sa ngayon kaya hindi maiwasang maintriga ito kay Jillian Ward na kasama rin niya sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.

Pero walang kamalay-malay si Ryzza Mae sa mga ganung intriga at si Jillian naman ay willing sumuporta sa bagong child wonder ng Eat Bulaga.

All out ang suporta ni Ryzza Mae sa promo ng naturang pelikula at talagang inikot nito ang mga mall show at bentang-benta siya sa mga manonood lalo na sa mga bata.

Ang nakakaaliw pa kay Ryzza Mae, kering-keri niyang mag-host ng mall show at sa liit niyang iyon, nagagawa niyang pasayahin ang lahat nang manonood.

Nakakaloka pa siya ’pag namimigay ito ng mga regalo sa mga bata dahil humihingi rin siya ng para sa kanya.

BOOM: Pursigido si Mommy Dionisia Pacquiao na kausapin ang mga anak niya pagkatapos ng birthday celebration ni Manny Pacquiao.

Ang pakay daw nang pakikipagmiting niya sa mga anak niya ay para kumbinsihin si Manny na tumigil na sa pagba-boxing. Ayaw na raw talaga niyang lumaban pa ang Pambansang Kamao kahit may kontrata pa itong napirmahan sa Top Rank.

Nakausap na nga niya ang mga apo niya at nangako raw sa kanya ang mga bata na kumbinsihin din nila ang daddy nila na tumigil na ito sa pagbo-boksing.

Iyon daw ang madalas na ipinagdarasal ngayon ni Mommy Dionisia na mapakiusapan ang anak niyang tumigil na ito.

Napatunayan ni Mommy Dionisia ang kasabihang “mother knows best” dahil noon pa man ay gusto na niyang tumigil sa paglalaro ang kanyang anak.

 

vuukle comment

ASIA PACIFIC SCREEN AWARDS

BONG REVILLA

DIREK BRILLANTE

DIREK BRILLANTE MENDOZA

ENTENG KABISOTE

MOMMY DIONISIA

RYZZA MAE

SI AGIMAT

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with