^

PSN Showbiz

Nangangamoy karelasyon ng aktres-aktresan, parang babae kung umasta!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Parang nangangamoy  malansang isda ang karelasyon ng isang aktres-aktresan.

Pero sobrang in love ng nasabing aktres-aktresan sa karelasyon bilang panay ang pulupot niya tuwing magkasama sila.

Actually, may isyu na sa nasabing ‘lalaki’ noon pa na pulos mga kap­wa bagets  ang mga barkada nito sa kanilang probinsiya.

Pero ano namang magagawa natin kung in lovey si actress. Baka naman natural ‘yung pagi­ging malamya at parang babaeng umastang dyo­wa niya.

MEGAN AT VALERIE, HINDI NAGPAHULI SA MGA BETERANO

Hindi naging madali kina Megan Young, Mavi Lozano, Jodi Nebrida and Valerie Concepcion ang maka-share sa limelight ang mga de kalib­reng actor sa pelikulang Flames of Love. Ima­gine makasama ba naman nila sina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Lani Mercado, Jaclyn Jose, Ricky Davao and Allen Dizon. Aba hindi madali ‘yun.

Pero may kanya-kanya namang ipinagmama­la­ki ang apat na mga kabataan pa.

Si Megan ay nakagawa na ng several soaps and movies including Sigwa, kung saan gu­ma­nap siyang batang si Dawn Zulueta.

Sa Flames…, she plays a religious young gradu­ate, a very positive person at girlfriend ng good boy na ginagampanan naman ni Jodi, na producer ng pelikula. Jodi says he’s really the all-around assistant of his mother Baby Nebrida, executive producer, scriptwriter and the co-director of Gigi Alfonso na nagdirek ng Flames…

Graduating si Jodi sa Entrepreneurs School of Asia bago siya napasabak sa aktingan.

Getting a good break naman sa movie na showing na sa December 12 ay si Mavi, portraying a lost youth, into drugs and other vices. Dati na siyang may acting career.

At sa kanilang apat, si Valerie and meatiest ang role bilang isang popular student during the day and GRO at night, having affairs with married men. Ito ang masasabing biggest and most challenging role niya sa kasalukuyan na ayon naman kina Direk Gigi and Ms. Baby Nebrida ay naibigay ni Valerie ang kailangan sa kanyang character na ginampanan.

Ang pelikula ay tungkol sa problema ng apat na pamilya at dumaan sa difficult situations, which the audience can relate to and symphatize with. Ayon kay Ms. Baby, “inspiring, enlightening and entertaining” ang movie nila.

Si Bea Tantoco ang kumanta ng theme song.

Released ang movie ng Solar Entertainment, Flames of Love opens nationwide sa December 12.

Nangako silang ito ang magbabalik sa tunay na tema ng family drama sa pelikula. (SVA) 

 

vuukle comment

BABY NEBRIDA

DAWN ZULUETA

DINA BONNEVIE

ENTREPRENEURS SCHOOL OF ASIA

FLAMES OF LOVE

GIGI ALFONSO

JACLYN JOSE

JODI

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with