^

PSN Showbiz

Anne at Erwan hindi nagsasapawan

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kaya successful ang tandem nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ay magkaiba ang mundo nila, hindi sila nagkakasapawan. Kung kinikilala si Anne sa showbiz, ganun din naman ang boyfriend niya sa mundo nito. Pero gaano man kasikat na artista si Anne, pumapayag itong maging background lang at suporta ni Erwan. Sa sports events nito, taga-cheer lang siya. She always goes to his practice kung kaya ng sked niya. He in ay sinasamahan si Anne sa mga si­nging engagements nito, here or sa pagsasama nila, never nagnakaw ng limelight sa isa’t isa.

    Sabi ni Anne first mature relationship niya si Erwan. Meaning, lampas ba sila sa pagdi-date-date lang. When they go out, yun ay para magkasama lang sila, para masuportahan ang isa’t isa. Para mapatatag ang relasyon nila. Puwede na silang mag-asawa, kung gugustuhin nila. Pero ayaw pa nila, gusto nilang mag-enjoy pa.

Pasko na!

Pasok na pasok na tayo sa panahon ng Kapaskuhan. Forty three days na lang at Pasko na! Hindi ba parang napakabilis naman ng pagdaraan ng panahon?

Sana magtuluy-tuloy ang pagganda ng panahon, hindi lamang storm wise kundi maging sa ating ekonomiya. No matter what his detractors say otherwise, may natatanaw akong pag-asa sa pamamahala ni P-Noy. Sana, magtuloy ito hanggang sa huling araw ng kanyang pamamahala. Hindi na siya muling tatakbo.

Kayo namang mga tatakbo sa eleksiyon, sana totoo ang la­yunin n’yong makatulong. sawa na ang mga tao sa pangapangako. Magtrabaho naman kayo, at good luck!

Merry Christmas and happy new year!Shaina nonshowbiz ang dapat maging bf

O, umamin na si John Lloyd Cruz. Official na talagang love nila ni Angelica Panganiban ang isa’t isa. I-wish natin na tumagal ang relasyon nila dahil sa mundong ginagalawan nila ay napakarami ng temtasyon. I-wish din natin na ang mga dating karelasyon nila ay makatagpo rin ng mga bagong pag-ibig. Karapatan din naman nilang maging maligaya.
    Tama si Derek Ramsay na sa isang nonshowbiz mag-invest ng emosyon. Mas less ang gulo rito. Sana si Shaina Magdayao rin. Baka sa isang nonshowbiz guy din ay maging matahimik at maligaya siya.

Anak nila Dingdong, sasabak na rin sa concert

Sa 25th anniversary concert ni Dingdong Avanzado, makikita for the first time na mag-perform ng anak nila ni Jessa Zaragoza na si Jayda na mag-perform. Aber, makita nga kung nagmana ang bagets ng talento sa kanyang mga magulang.

Para namang family affair ang concert. Bukod sa kanilang mag-anak, kasama sa show ng mga BFF nilang sina Rachel Alejandro at Ogie Alcasid. Bago ang kumbinasyon sa konsiyerto kaya siguradong dudumugin. Hindi rin namang pipitsuging mga performer sina Dingdong at Jessa. Plus, nandun pa si bagets.

More than Anne and Derek, andi nakinabang sa a Secret Affair

Tama lang ang desisyon ni Andi Eigenmann na maging mature actress na. Wala siyang choice kundi samantalahin ang mga nangyari sa kanyang buhay para sa ikabubuti ng kanyang career. Kesa naman magmukmok siya at malungkot dahil napaka-bata niyang naging ina at single parent pa rin siya.

Ang mga pangyayaring ito ang pinaghuhugutan niya ng emosyon para gumaling sa pag-arte. Ang A Secret Affair ay tagumpay niya, more than Anne and Derek.

 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANG A SECRET AFFAIR

ANGELICA PANGANIBAN

ANNE

ANNE AND DEREK

NILA

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with