^

PSN Showbiz

Rap Fernandez pumayag mag-dub sa sungkyunkwan scandal!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakaiskandalong kuwela at kilig ang sa­sa­inyo simula Lunes (Oct 29) dahil ang pinakapinanood na Korean drama ng 2010 na Secret Love: Sungkyunkwan Scandal  ay mapapanood na sa wakas sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Tampok sa serye ang Korean sweetheart na minahal ng ma­nonood bilang Kim Nana sa City Hunter na si Park Min Young katambal ang pina­kamainit at pinakatinitiliang Korean actor nga­yon na si Park Yoo Chun. Nag-dub naman sa unang pagkakataon ang aktor na si Rap Fernandez bilang pabling na katropa ng mga bida na si Goo Yong Ha.

Tunghayan ang kuwento ni Kim Yoon-hee (Min Young), isang madiskarte at palabang babae na kumakayod para iahon ang pamilya sa kahirapan. Dahil nabubuhay sa sinaunang panahon kung saan ang mga kababaihan ay hindi pinapayagan ng lipunan na magtrabaho o kaya makapag-aral, nagpapanggap si Yoon-hee bilang kapatid niyang lalaki na si Kim Yoon-shik para kumita.

Isa sa raket na napili niya ay pagsagot ng entrance exams para sa mga aplikante sa prestihiyosong Sungkyun­kwan Uni­versity. Dito, makikilala niya si Lee Sun Joon (Yoo chun) matapos nitong mahuli ang dalaga sa akto ng panlilinlang sa exams.

Sa halip na isumbong ay hinimok pa ng matalinong binata si Yoon-shik para tuluyan na mag-exam at mag-enroll sa university.

Dahil sa takot na gawing pambayad utang ng pamilya niya ay sinubukan ni Yoon-hee na mag entrance exam at sa hindi inaasahang pangyayari ay pumasa siya kaya naman ang raketerang dalaga, ngayo’y isang Sungkyunkwan student na.

Sa kanyang pagpapanggap bilang lalake ay masusubukan ang tatag at pani­nindigan ni Yoon-hee sa loob ng all-boys school. Makikipagsabayan din siya sa mga tinaguriang heartthrobs ng Sungkyunkwan na sina Goo Yong Ha, ang upper classman na malapit sa mga babae; si Moon Jae Shin, ang kanyang astig na roommate at ang matalinong si Sun Joon. Ngunit ano ang mangyayari kung habang nagpapanggap si Yoon-hee bilang lalake ay unti-unting mahulog ang kanyang loob kay Sun Joon?

Hanggang saan kayang magpanggap ni Yoon-hee? Paano kapag nalaman ni Sun Joon ang kanyang lihim? Ano ang kahahantu­ngan ni Yoon-hee sa oras na malaman ng Sungkyunkwan ang is­­kan­dalong kaniyang kinasasangkutan? Hanggang kailan ba maitatago ang sikreto ng puso?

Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng Sec­ret Love: Sungkyunkwan Scandal ngayong Lunes (Oct 29), pagkatapos ng Kung Ako’y Iiwan Mo sa Kapamilya Gold ng  ABS-CBN.

vuukle comment

CITY HUNTER

DAHIL

GOO YONG HA

KAPAMILYA GOLD

KIM YOON

SHY

SUN JOON

SUNGKYUNKWAN

SUNGKYUNKWAN SCANDAL

YOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with