^

PSN Showbiz

Alagang aktor ng isang network, kinasuhan ng rape! Zsa Zsa gusto nang magka-apo, Karylle pini-pressure na mag-asawa

PIK PAK BOOM - Pilipino Star Ngayon

PIK : Pinag-iisipan na pala ngayon ni Luis Alandy na mag-aral ng film directing dahil napukaw ang interes niyang maging film director.

Naikuwento sa amin ng aktor sa presscon ng Yesterday’s Bride na nung sinu-shoot nila ang Kalayaan, na-curious siya sa pagdidirek ni Adolf Alix, Jr. at naisip niyang baka subukan din niyang magdirek.

 Kaya balak niyang mag-aral ng digital filmmaking sa St. Benilde dahil hindi naman habang buhay siyang aktor. Puwedeng nasa showbiz pa rin siya bilang direktor.

PAK: Pinag-uusapan ngayon ang isang aktor na talent ng isang malaking TV network na meron ngayong nakasampang rape case laban sa kanya.

Nakarating na ito sa home studio niya at tinanggal na siya sa programang sinasalihan.

Inimbestigahan namin ito at nalaman naming hindi naman tinanggal si aktor sa mga programa nito.

Sabi ng kanyang handler, wala siyang alam na na-involve ang alaga niya sa ganung kaso.

Maaaring hindi nga siya ito, kaya inaalam pa namin kung sino itong aktor na nakasuhan ng rape.

BOOM: Ayaw magsara ni Zsa Zsa Padilla ng posibilidad na magkaroon siya ng panibagong relasyon pagkatapos niyang magbabang-luksa.

Naikuwento ito ng singer-actress sa presscon kahapon ng bagong ini-endorse nitong ZO Skin Health kasama si Hayden Kho, Jr.

Kung iisipin niya, malabo na siyang magkaroon ng panibagong partner dahil hindi na bagay sa edad niya.

“Iba na kasi ngayon eh, parang yuck, nakakadiri naman!” bulalas ni Zsa Zsa na natatawa.

“Nasa stage ng buhay ko ngayon na I’m looking forward na mag-asawa na ang mga anak ko, na meron na akong mga apo.

 “Napi-pressure na ang mga anak ko kapag sinasabi ko ’yan eh.”

Si Karylle ang tinutukoy niyang napi-pressure dahil feeling niya, siya na ang gusto ni Zsa Zsa na mag-asawa.

 

vuukle comment

ADOLF ALIX

HAYDEN KHO

LUIS ALANDY

NAIKUWENTO

PINAG

SI KARYLLE

SKIN HEALTH

ST. BENILDE

ZSA ZSA

ZSA ZSA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with