^

PSN Showbiz

Lovi iba ang relihiyon, ‘di nakinig sa thanksgiving mass ng Tiktik

TAKE IT TAKE IT! - Pilipino Star Ngayon

Pinuntahan ko kahapon ang Thanksgiving Mass para sa Tiktik: The Aswang Chronicles para personal na i-congratulate si Dingdong Dantes at ang mga produ ng pelikula.

Si Fr. Eric Santos ang officiating priest. Si Fr. Eric na pari ha? Hindi ’yung singer. Unang nakilala sa showbiz si Fr. Eric kesa sa mang-aawit na si Erik Santos at magkaiba naman ang spelling ng kanilang mga pangalan.

Umapir sa Thanksgiving Mass sina Dingdong, LJReyes, at Lovi Poe na biglang nawala nang magsimula ang misa ni Fr. Eric. Lumabas si Lovi nang mag-umpisa ang misa at mula sa aking kinauupuan, nakita ko na nagpapainterbyu siya. Inisip ko na lang na hindi nakinig ng misa si Lovi dahil iba ang kanyang religion pero nang matapos ang mass, nag-disappearing act siya.

LJ umamin na, Paulo nagbago na nga ng ugali

Tinanong kahapon si LJ Reyes ng mga reporter tungkol sa isang blind item na obvious na tumutukoy sa kanyang live-in partner na si Paulo Avelino.

Negative ang sagot ni LJ sa mga isyu na malaki ang ipinagbago ng ugali ni Paulo mula nang maging hot copy ito dahil sa participation niya sa Walang Hanggan.

Hindi rin ako makapaniwala na nagkaroon si Paulo ng attitude problem dahil mabait ang pagkakakilala ko sa kanya pero detalyado ang kuwento na nabasa ko kahapon as in may ibang mga karakter na sangkot.

Dingdong at Marian ginagawan ng paraan para magkita

Hindi mababawasan ang madalas na pagkikita nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kahit magi­ging busy na sila sa trabaho.

Magsisimula na ang taping ni Dingdong para sa kanyang bagong primetime show pero sa kabila ng kanilang mga busy schedule, nakakagawa ng paraan ang dalawa na magkita.

Sinamahan ni Marian si Dingdong sa finalé night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break noong Linggo at nang matapos ito, nagkaroon sila ng late dinner sa isang restaurant.

Kung may libreng oras naman si Dingdong, binibisita niya si Marian sa mga taping nito.

Hindi uso sa kanila ang mga drama na hindi sila nagkikita dahil sa mga work nila. Kung talagang gusto, may paraan kaya hindi believable ang drama ng ibang mga artista na naghihiwalay dahil walang oras para sa isa’t isa.

Cherie Gil hindi totoong kontrabida

Napanood na ni Marian ang Korean version ng Temptation of Wife dahil ito ang requirement bago nila inumpisahan ang taping ng kanyang bagong teleserye.

Co-star ni Marian sa Temptation Wife si Cherie Gil. Hindi na-intimidate si Marian kay Cherie dahil napakabait at sweet nito. Walang ginawa ang dalawa kundi ang magyakapan nang magkita sila sa finalé night ng Protégé noong Linggo.

Mabait at cowboy si Cherie sa tunay na buhay. Effective siya sa mga kontrabida role kaya ang akala ng mga tao, mahirap pakisamahan si Cherie. Walang ipinagkaiba si Cherie kay Manay Celia Rodriguez na mataray ang image at projection pero isa sa mga mababait na aktres na nakilala ko.

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

BIG ARTISTA BREAK

CHERIE GIL

DAHIL

DINGDONG DANTES

PAULO

SI FR

THANKSGIVING MASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with