^

PSN Showbiz

Para magmukha uling leading-lady: Sharon susubukan na namang magpapayat

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Matutuwa ang fans ni Sharon Cuneta sa ibinalita nito sa Twitter na gagawa na uli siya ng movie at January next year na ang target shooting. Si Mr. Vic del Rosario mismo ang nagsabi sa kanyang magsu-shooting na siya.

‘Katuwa ang kasunod na tweet ni Sharon na “Of course the leading lady must look like one! Just watch me hah!”

 Ang dating sa nakabasa sa tweet ni Sharon, magpapapayat siya ng husto para maging pang-leading lady uli ang figure. Kung January ang target shooting ng movie ni Sharon, kelan kaya ang playdate at sino ang kapareha niya?

Masaya rin palang na-tweet ni Sharon na tumataas na ang rating ng kanyang programang Sharon sa TV5 at kinongratuleyt siya ng bossing niya sa network.

Singer-actor na nagmamadaling maging bida, pinakawalan ng manager!

Pagkatapos ng pag-uusap, ni-release ng talent manager ang isa niyang male talent dahil hindi agad maibigay sa bagets ang demand  na immediate soap na siya ang lead at higher talent fee. Nag-decide ang manager na pakawalan na ang singer-actor (SA) kesa manatili sa management niya na hindi na masaya.

Kumalas na rin si SA sa all-male sing-and dance group kahit sinabi ng dating manager na puwede siyang mag-stay kahit wala na silang kontrata. Wini-wish pa rin ng manager na umangat ang career ni SA sa taguyod ng ibang manager.

Hindi man aminin ni SA, feel ng press na insecure siya sa kapatid na isa ring aktor na mas maganda sa kanya ang career, gayung he’s more good looking and more buff, kaya nag-decide to change manager. Sana nga umalagwa na ang career ni SA.

Susan natuwa sa pagiging ‘multi awarded’

Natuwa si Susan Enriquez sa multi-awarded broadcast journalist description sa kanya sa press release ng Kape at Balita, ang new at daily news and talk program ng GMA News TV na mapapanood 6:00 am., to 7:30 am., simula October 22.

Kasama ni Susan sa Kape at Balita  ang veteran radio commentator Joel Reyes Zobel, senior reporter Michael Fajatin at seasoned news anchor Mariz Umali. Si Susan ang uupo sa first 30 minutes at sila ni Joel sa next 30 minutes. Si Michael ang reporter sa labas at kay Mariz ang news on Women’s and Children.

Solenn pinalitan na ni Georgina

Ilu-launch si Georgina Wilson next week bilang 2013 Ginebra San Miguel Calendar Girl. Papalitan niya ang 2012 Ginebra San Miguel Calendar Girl na si Solenn Heussaff at nauna sa kanilang dalawa na si Anne Curtis na 2011 calendar girl.

Hindi ba, parang sa grupo na lang nila kumukuha ang Ginebra San Miguel ng calendar girl. Sa 2014 kaya, sino ang magiging calendar girl ng Ginebra San Miguel

Ervic kakandidato ring konsehal

Pati pala si Ervic Vijandre papasok na rin sa pulitika. Nag-file ito ng COC o Certificate of Candidacy dahil tatakbong konsehal sa first district ng Taguig.  Sa local party, under siya  sa KDT o Kilusang Diwa ng Taguig, ang local party under the mayoralty line up ni Rica Tinga. Sa national party, under siya sa PDP.

Hindi iiwan ni Ervic ang showbiz halimbawang manalo siya, pero habang nangangampanya, hindi muna siya puwedeng mag-showbiz. Ang Aso ni San Pedro  ang magiging last soap niya sa GMA7.

vuukle comment

ANG ASO

ANNE CURTIS

CERTIFICATE OF CANDIDACY

ERVIC

ERVIC VIJANDRE

GINEBRA SAN MIGUEL

GINEBRA SAN MIGUEL CALENDAR GIRL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with