^

PSN Showbiz

Rakistang umaarte na rin, malakas ang tama sa aktres na kinaliwa ng actor na boyfriend!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Kung magkakaroon ng lakas ng loob ang sikat na rock singer (RS) na umaarte na rin, na ligawan ang crush na magandang aktres (MA) at kung sasagutin ang binata ay magkaka-love life na uli ang dalaga. Tuma-timing lang si RS bago ligawan si MA dahil ayaw nitong maging love on the rebound ang relasyon nila if ever sagutin siya dahil ilang months pa lang break si MA sa ex nitong magaling na aktor (MA1).

Medyo nahihiya pa si RS na ligawan si MA dahil kilala niya ang ex nito at nakasama pa sa isang soap. Pero bonggang naka-move on na ang ex ni MA1 at may bago na ngang GF, tama lang na lumigaya si MA sa bagong pag-ibig.

Matagal nang crush ni RS si MA. Lately lang naisip na ligawan ito dahil single at naging madalas ang pagkikita nila sa isang bar sa Ortigas Center, Pasig City. Parang bagay sina RS at MA ’pag naging couple!

Pamilya ni Rufa Mae inayawan si boy 2

Masaya ang buong cast, staff, at crew ng Enchanted Garden sa balitang extended ang eco-serye ng TV5 and from six weeks, 15 weeks na ito eere kaya hanggang November pa ito mapapanood. Wish nga ni BB Gandanghari hanggang December ang extension para masaya ang Pasko ng lahat, lalo na ang staff at crew.

Napapanood ang Enchanted Garden, 6:30 p.m., at dinidirek nina Eric Quizon at Joel Lamangan. Madadagdag sa cast ang isang magaling na aktres at hunk actor na magiging love interest ni Ruffa Gutierrez at inakala ng press na si Derek Ramsay dahil na-link sila.

Tuwang-tuwa si Rufa Mae na gumaganap sa role ni Quassia dahil babalik na sa Eden ang karakter niya at magiging diwani na uli siya, hindi na rabbit. Makakapareha niya si Ahron Villena bilang si Kamagong.

Anyway, naguluhan kami sa sagot ni Rufa Mae sa kanila ni Dos Quizon (Boy 2 Quizon). Hindi raw naging sila pero bakit may breakup at bakit balitang nag-iiwasan sila sa taping ng Bubble Gang? Parang totoo ang tsimis na hindi pabor ang pamilya ni Rufa Mae sa ex dahil sa maraming rason.

Rez hindi na naninibago nang makahalikan si Eddie Garcia

 Ang paghalik sa lips ni Eddie Garcia kay Rez Cortez ang isa sa ipinag-react ng nanood ng premiere night ng Bwakaw na sa Sept. 5, ang commercial run at Star Cinema ang distributor.

Wala si Eddie at nasa abroad daw. May nagsabi namang nagpapagaling. Si Rez ang nakausap ng press at sabi nito, very professional ang pagkakagawa ni Direk Jun Lana sa eksena at ilang beses na nilang ginawa sa ibang pelikula, kaya hindi na bago. Ginawa niya ang eksena dahil aktor siya at nagbirong nag-enjoy siya.

Ibinalita ni Ferdie Lapus na i-screen ang Bwakaw sa Toronto Film Festival (Sept. 6-16) at New York from Sept. 28-Oct. 14. Dadalo raw si Eddie sa screening sa NY kasama si Direk Jun.

Samantala, ibinalita ni Rez na tatakbo siyang congressman sa fifth district ng Camarines Sur under sa UNA Party ni VP Jojo Binay. Magpapa-survey na siya para alamin ang needs ng mga tao sa lugar at para malaman ang chance niyang manalo.

Carlos Morales nakiki-level sa mga Bagets

May twist sa karakter ni Carlos Morales sa Luna Blanca, hindi lang pala siya si Diego na isang homeopathic doctor. Bawal pa lang tukuyin ang talagang role niya, kaya patuloy kayong manood. Happy ang aktor dahil hanggang Book Three ng soap kasama ang karakter niya.

Sa nakita namin, okay ang working relationship ni Carlos sa bagets cast at nagbigay pa siya ng tips kay Derrick Monasterio kung anong dapat kainin sa pagwo-workout nito. Nagulat ito na halos ka-height na niya (6 ft.) ang young actor.

Happy si Carlos dahil hindi pa man tapos ang Luna Blanca, may next soap na siya sa GMA 7. Kasama siya sa cast ng Indio bilang Spanish officer, kaya on his own, kumukuha siya ng Spanish classes.

  

vuukle comment

AHRON VILLENA

BOOK THREE

BUBBLE GANG

CARLOS MORALES

DAHIL

EDDIE GARCIA

ENCHANTED GARDEN

LUNA BLANCA

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with