^

PSN Showbiz

Derek gulat na gulat nang ma-link kay Ruffa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Kung gulat si Ruffa Gutierrez kung bakit na-link sila ni Derek Ramsay, gulat na gulat din ang actor. Wala siyang makitang valid angle kung bakit sila nabalitang may relasyon.

Kuwento nga niya, hindi sila personal na magkakilala ni Ruffa. Nang first time siyang ma-interview ni Ruffa, nung time na nasa Paparazzi pa ito,      unang beses nilang pag-uusap ‘yun. “Saan ang link,” balik-tanong niya nang makausap namin sa press launching ng Asi Taulava Charity Basketball Game: Built Upon the Rock (Sama-samang tutulong, sama-samang babangon) kung saan isa siya sa players ng Swatch Team vs. Black Water.

Tulad nang sinabi ni Ruffa, once lang silang nagkita sa London at grupo pa so imahinasyon lang talaga ang pagli-link sa kanila ni Ruffa na nauna na ngang nag-deny.

Anyway, gaganapin ang fund raising game sa Ynares Sports Arena, 7:00 p.m. sa Linggo.

Lahat ng kikitain sa exhibition game ay mapupunta sa mga biktima ng baha sa Bulacan, Pasig, at Rizal.

Produ ng isang Pinoy Film kailangang magpalit ng writer

Nakakahinayang ang isang Tagalog film na napanood ko recently lang. Makikita mo naman ang effort, pero talagang hindi maganda ang istorya.

Sa kuwento pa lang laylay na. 

Siguro panahon na para kumuha ng mga bagong writers and director ang producer ng nasabing pelikula at ‘wag masyadong umasa at maniwala sa sinasabi ng iba at maging basehan ang social networking sites.

Sayang kasi ang pera kung hahayaan na lang ng nasabing production outfit.

Pagbili sa gma 7 ni MVP, tuloy pa rin

Bongga nasa Twitter na rin si Mr. Manny Pangilinan.

Kahapon ay nagkaroon siya ng announcement sa 6th Internet and Mobile Marketing Summit na ginanap sa Makati.

Ang bilis dahil agad-agad ay nagkaroon siya ng almost nine thousand followers.

Sa nasabing event din kahapon ay sinagot din niya ang tungkol sa walang katapusang issue nang bilihan sa GMA 7 : “Para kaming LQ (as in lovers’ quarrel). Sometimes we’re on, sometimes we’re off. At the moment, we’re on,” sagot daw nito na nagbibiro bilang nagbigay pa ito ng mga pick up lines sa nasabing digital conference. So ibig sabihin tuloy ang bilihan.

vuukle comment

ASI TAULAVA CHARITY BASKETBALL GAME

BLACK WATER

BUILT UPON THE ROCK

DEREK RAMSAY

INTERNET AND MOBILE MARKETING SUMMIT

MANNY PANGILINAN

PINOY FILM

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with