^

PSN Showbiz

Kris namigay ng pagkain na nakadahon, anak ni Goma nakiisa sa relief operations

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakakaaliw na lahat ng artista at mga sosyalera ay gustong tumulong sa mga biktima ng bagsik ng habagat.

Imagine ang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Julianna ay naki-join sa relief operations sa Malay Elementary School, San Mateo Rizal.

Sina Rhian Ramos at KC Montero ay magkasama rin sa Malay Elementary School.

Sina Angel Locsin, Kris Aquino, at Iza Calzado naman ay nagpunta sa Valenzuela upang mamigay ng tulong sa mga biktima ng habagat.

Nabanggit din ni Kris sa kanyang programang Kris TV na nag-order siya ng Binalot (‘yung meal na nakabalot sa dahon ng saging na may ulam at kanin na). Nabili raw niya ng P50 at free delivery pa.

Actually mas maganda nga naman ang dahon bilang nabubulok ito.

Kasi napansin n’yo ba, lahat plastic bag ang gamit ng mga nagbibigay ng relief goods. Saan nga naman ‘yun itatapon ng mga evacuees bilang hindi na nila maalalang ilagay ‘yun sa basurahan. So ang ending ilalagay lang nila ‘yun sa kung saan na ang tendency ay malamang maging dahilan na naman para magbara ang mga imburnal na naging malaking factor kaya madaling lumubog ang Maynila sa matinding ulan dulot ng habagat.

Mas maigi siguro kung sa sako na lang nila ilalagay ang mga donasyon ‘di ba. At least ang sako mapapakinabangan pa.

Eh ang plastic, ayan naglutang sa kung saan-saang lugar nang magkaroon ng baha sa buong Luzon dahil sa walang tigil na ulan.

Si KC Concepcion din ay sumama naman sa UN para sa tulong.

Kinaliwa Ni Direk Rupert teenager pa lang nang magkarelasyon

Teenager pa lang pala ang asawa ni Director Rupert Sanders na si Liberty Ross nang mag-umpisa silang mag-date. Kaibigan ng kapatid ni Liber­ty na si Atticus ang director na alam na ng buong mundo na nanloko ng asawa nang lumabas ang mga litrato nila ni Kristen Stewart na naghahalikan.

Pinakasalan ni Liberty sa edad na 24 ang 31 years old na si Rupert Sanders.

Nagkaroon sila ng dalawang anak – isang seven year old daughter at limang taong anak na lalaki ayon sa report ng Yahoo.

Pero ngayon ay hindi na rin daw suot ng modelong asawa ng director ang kanilang wedding ring nang minsang makita ito sa California.

Inamin ng Twilight actress na si Kristen Stewart ang panloloko niya sa boyfriend at co-star na si Robert Pattinson sa director ng Snow White and the Huntsman na kumalat ang photos nila na naghahalikan noon second week of July.

Nauna na ring nag-sorry ang director : “I am utterly distraught about the pain I have caused my family.

“My beautiful wife and heavenly children are all I have in this world. I love them with all my heart. I am praying that we can get through this together,” sabi ng director.

Hanggang ngayon ay wala pang ibinibigay na official statement ang misis ng director.

Parang pelikula lang ‘no. Imagine ang ganda na ng modelong asawa, nag­loko pa.

Ang bentahe lang ni Kristen kasi, mas bata siya.

Doon sila nagkakatalo ng asawa ng director na nanay ng dalawang bata.

Pero ang guwapo kaya ni Robert. Kalowka sila.

Be Careful With My Heart kinukunan sa hd camera

Ayon kay Direk Jeffrey Jeturian, isa sa mga direktor ng nangungunang kilig-serye sa bansa, ang Be Careful With My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, hindi nila lubos maisip na tagumpay na tinatamasa ng kanilang show ngayon. “Hindi namin ine-expect na may ganoon kalaking morning audience na magluloklok sa amin araw-araw sa 5th spot ng top overall TV programs nationwide.”

Dagdag pa ni Direk Jeffrey, na pinamumunuan ang direksiyon ng Be Careful With My Heart kasama si Direk Mervyn Brondial, naniniwala silang maraming factors kung bakit sila naging no.1 at kabilang na rito ang pagbibigay ng show sa Pinoy viewers na naghahanap ng kuwentong bago at puno ng positibong pananaw sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

“Ang pagiging simple at feel-good ng programa ay nakuha ang loob at puso ng mga manonood. Hindi lang nito pinakikilig ang viewers sa bawat episode, pinangingiti rin ng istorya ang kanilang mga puso,” ani Direk Jeffrey.

Dagdag pa niya, malaking bagay rin sa tagumpay ng programa ang bago at kakaibang onscreen chemistry kanilang mga bida.

“Sa palagay ko effective na romance comedy ang show dahil kina Jodi, na gumaganap bilang ang masayahing si Yaya Maya, at Richard na binibigyang buhay ang karakter ng istriktong ama na si Mr.Lim,” paliwanag ni Direk Jeffrey.

Kinumpirma rin ng direktor ang mga komento ng viewers tungkol sa kakaibang visual quality ng program.

“Ang Be Careful With My Heart ay ang kauna-unahang teleserye ng ABS-CBN na kinunan sa HD o high-definition camera,” aniya. “That explains the glossy look of the show when people watch it onscreen, plus we shoot the series film-style so it has the feel, look, and ‘magic’ of a movie.”

Mapapanood ang kilig-serye araw-araw, 10:45 a.m., bago mag-It’s Showtime, sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.  

vuukle comment

ANG BE CAREFUL WITH MY HEART

ANGEL LOCSIN

BE CAREFUL WITH MY HEART

DAGDAG

DIRECTOR

DIREK JEFFREY

KRISTEN STEWART

MALAY ELEMENTARY SCHOOL

RUPERT SANDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with