^

PSN Showbiz

Mga beterano ang karamihang napansin, Eddie Garcia at Anita Linda nasungkit ang Cinemalaya acting awards

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Mga beteranong artista ang binigyan ng parangal sa nakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Si Eddie Garcia ng pelikulang Bwakaw ang wagi bilang best actor sa Director’s Showcase.

Si Amable Quiambao naman ng pelikulang Diablo ang best actress sa New Breed category.

Si Anita Linda ng Santa Niña ang nahirang na best supporting actress sa New Breed category.

Standing ovation ang buong theater nang si Anita na ang nagwagi. Natawa ang lahat na nanalo pa siya sa New Breed. Sa edad na 88 ay patuloy pa rin siya sa paggawa ng pelikula at kaya pa rin niyang umarte sa harap ng kamera.

PAK: Nagkagulo at nalito ang lahat nang tinawag ang winner sa best supporting actress ng Director’s Showcase.       

Tinawag ng host na si Jonathan Tadioan na winners sa kategoryang ’yun sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Agot Isidro, at Janice de Belen.

Tumayo si Bienvenido Lumbrera at umakyat ng stage para ikorek ito. Ang tinawag niyang winner ay si Anita Linda na mali naman dahil sa New Breed category ’yun, hindi sa Director’s Showcase.

Si Ricky Lee na kasama rin sa mga hurado ang nagkorek at humingi ng paumanhin sa pagkakamaling iyon.

Iyon pala ensemble acting ’yun nina Judy Ann, Iza, Agot, at Janice ng Mga Mumunting Lihim ang tinanghal na winner sa best actress at pati na rin sa best supporting actress.

Hindi naayos ito sa script kaya nagkaroon ng kalituhan sa pagtawag ng winners.

Mabuti at kaagad nilang kinorek doon sa awarding.

Tanging si Iza lang ang nakadalo para tanggapin ang naturang award.

BOOM: Ayon kay Nestor Jardin, isa sa mga top executive ng Cinemalaya, tumaas ang viewers at supporters ng Cinemalaya ngayong taon.

Inaasahan niyang maging cooperative na ang ibang commercial theaters sa susunod na taon para umikot na ito sa buong Metro Manila.

 Nagbigay din ng mensahe si Tonyboy Cojuangco sa mga pinagdaanang kontrobersiya ng Cinemalaya.      

Nang tinanggap naman ni Atty. Joji Alonzo ang award bilang best film sa Director’s Showcase na napanalunan ng pelikula niyang Posas, taus-puso siyang nagpasalamat sa lahat na naitulong ni Robbie Tan. Kahit ilang beses silang nagtatalo at nag-aaway sa mga ipinapasok nilang entry sa Cinemalaya, alam ni Boss Robbie ang karapat-dapat na makapasok na entry at ang pagmamalasakit nito sa Pinoy indie films at sa buong movie industry.

Inaasahang mas malaki at mas maganda ang mga pelikulang kalahok sa susunod na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

                                                                       

vuukle comment

AGOT ISIDRO

AMABLE QUIAMBAO

ANITA LINDA

BEST

BIENVENIDO LUMBRERA

BOSS ROBBIE

CINEMALAYA

CINEMALAYA PHILIPPINE INDEPENDENT FILM FESTIVAL

NEW BREED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with