^

PSN Showbiz

Jake umaming sinaktan nga si Melissa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Ang galing umiwas ni Jake Cuenca sa pang-uri­rat ng press sa kanila ni Lovi Poe. Laging may sagot ang aktor sa mga tanong at successful ito na ikonek sa trabaho at sa Kahit Puso’y Masugatan ang mga sagot.

Pero in-admit nitong nakapanakit siya ng puso at hindi niya ’yun sinasadya at nag-sorry sa mga pu­song nasaktan niya kahit ayaw tanggapin ang a­po­­logy niya ng iba. Parang si Melissa Ricks ang tinutukoy ni Jake!

Anyway, masaya si Jake na makapareha si Iza Calzado. “Having her as a leading lady, ano pa ang mahihingi mo? Napakasuwerte ko, ‘di ko alam paano ako napunta sa puwesto. Five years ago, ‘di ko inisip na maging leading man ako,” sabi ni Jake.

Makakaribal ni Jake kay Iza si Gabby Concepcion na gaganap na kanyang ama at hindi rin siya makapaniwala noong una na makakasama ang aktor sa malaki at magandang serye ng ABS-CBN.

Jennylyn dalawa-dalawa ang programa sa isang araw

Simula sa July 23, dalawang beses na sa isang araw mapapanood si Jennylyn Mercado. Sa nasabing petsa ang pilot ng Inside Protégé, kung saan siya ang host, at last Monday nagsimula nang umere ang afternoon soap na Hindi Ka Na Mag-iisa.

Magkaiba ang dalawa niyang shows at saka 15 minutes lang naman ang Inside Protégé. Kinikilala na talaga ng GMA 7 ang husay mag-host ni Jennylyn dahil balitang isa siya sa mga host ng bagong showbiz talk show ng network na papalit sa Showbiz Central.

Masaya si Jennylyn sa sunud-sunod na project, bawing-bawi ang pamamahinga niya ng matagal, kaya wala siyang karapatang magreklamo. May ire-release pa siyang album sa PolyEast at may movie sa Regal Entertainment, Inc.

Phillip pinayuhang mag-stage play si John Lloyd

Seryoso si Phillip Salvador sa pagiging isa sa mga mentor ng Protégé: The Battle For the Big Artista Break ng GMA 7. Siya ang mentor sa mga nag-audition sa Mindanao at aminadong mahirap humanap ng total package na marunong umarte, kumanta, sumayaw, at iba pang talino na kailangan sa showbiz.

Sina Christopher de Leon, Vilma Santos, at Nora Aunor ang ginawa niyang peg sa paghahanap ng total package talent at si Gina Alajar pagdating sa acting. 

Nagulat si Phillip na marami ang gustong mag-showbiz at umaasa siyang made-develop nang husto ng Channel 7 ang two big winners ng Protégé. Ipinauna na rin nito na istrikto siya bilang mentor, magtataray siya, at alam niyang magtataray din ang ibang mentors. Sana raw, ma-take ng mga bata ang mood ng mentors.

May payo pala si Phillip sa mga sikat na aktor ngayon, gaya ni John Lloyd Cruz, at ito’y ang subukang umarte sa entablado o stage. 

Bubbles idinenay si Ronald

Nag-react si Bubbles Paraiso sa pagkaka-link niya kay Ronald Singson dahil nakita silang magka-date sa Preview Ball ng Preview Magazine.

Tweet ni Bubbles: “Ronald has been one of my kuyas since before. not da­ting at all. Nothing wrong w/ goin w/ a friend to the ball.”

Mabuti at walang GF ngayon si Ronald kaya walang magseselos sa paglabas nila ni Bubbles, saka nilinaw na ng sister ni Paolo Paraiso na ka­patid lang ang turingan nila ni Ronald

  

vuukle comment

BATTLE FOR THE BIG ARTISTA BREAK

BUBBLES PARAISO

EACUTE

INSIDE PROT

JENNYLYN

LEFT

PHILLIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with