^

PSN Showbiz

Enzo handa nang maghubad!

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Kung dati, akala ng lahat ay isinusuko na ni Enzo Pineda kay Alden Richards ang kanyang karapatan hindi lamang bilang boyfriend ni Louise delos Reyes kundi bilang aktor din, hindi na nga­yon! Inihayag niya kamakailan na handa na siya sa mga more mature roles and with his newly built physique, maski daring and sexy roles ay hindi na niya tatanggihan. It took him two years para mapaganda ang kanyang pangangatawan at bago pa niya ito mapakinabangan sa acting projects, kinuha na siyang modelo ng underwear ng isang clothing company. Kaya humanda sa mga billboard niyang daring sa kahabaan ng EDSA.

Ayaw sabihin ng batang aktor na 21 taong gulang lamang siya, na ginawa niya ang pagbabago ng kanyang imahe para makipag-kumpitensiya sa mga ibang Kapuso stars.

“Lahat naman ng artista gustong mag-move on. Like me, I feel tapos na ako sa mga pa-tweetums na role, gusto ko naman masubok kung mayroon akong ibubuga sa mga more challenging roles, at kung kinakailangang magpakita ng katawan okay ako, provided the script is good. Ayaw ko namang maghubad ng walang kapararakan,” sabi ng aktor na talaga namang yummy sa kanyang bagong body contoure.

Olive C campus model search bukas na ang regional screening

Hindi pa nalalaunan nang manalo bilang Mr. & Miss Olive C na itinaguyod ng Psalmstre, gumagawa rin ng New Placenta, Glutamin at Scent J, sina Aljohn Lucas at Rohama Rearte. Katunayan abala pa sila sa kanilang pag­hahanda para pumunta ng Guatemala sa Central America sa Setyembre

para makipag-compete sa Mr. & Miss Teen Tourism Universe. 

Bahagi ng kanilang ginagawang training ang pagrampa sa serye ng Fashion 30th na itinataguyod ng Psalmstre at CreWorks Asia. Ginaganap ang event na ito tuwing ika-30 araw ng bawat buwan sa Cebu. Layunin nito na pag-isahin ang mga magagaling na fashion designers hindi lamang para maipamalas ang magaganda nilang designs kundi para mapatatag pa ang industriya ng fashion.

Sinimulan ito nung May 30 sa JC Central Mall, PAGCOR Casino, Waterfront Hotel. Ngayong Buwan, gaganapin naman ito sa Pacific Mall, Mandaue City.

Samantala, bukas ang regional screening para sa Olive C Campus Model Search, Yr. 3. Sa mga interesado, makipag-ugnayan sa mga regional bran­ches ng Olive C.

Kailangan lamang ay teenager kayo, male and female, with good complexion, may height at marunong rumampa, with good moral character at kasalukuyang enrolled sa isang iskuwelahan.

Robi mas gustong maging doktor

Kung kelan naman ini-enjoy ni Robi Domingo ang kanyang pagiging TV host at dumarami na ang kanyang trabaho at saka naman dumating ang posibilidad na baka kailangan niyang tumigil sa showbiz para maipagpatuloy niya ang pag-aaral niya ng medisina.

Katatanggap pa lamang niya ng hosting job para sa I Dare You na dati ay si Jericho Rosales ang main host. Wala na ito at kasama siya sa listahan ng mga bagong host na tanging si Melai Cantiveros

Kung dati ay nagagawa pang pagsabayin ni Robi ang kanyang pag-aaral at pag-aartista, hindi na ngayon. Kailangang pumili na siya ng kanyang ipa-prayoridad kung talagang gusto niyang makatapos ng medisina at maging doctor. Kailangan sa kursong ito ang buo niyang panahon at concentration. 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJOHN LUCAS

AYAW

CENTRAL AMERICA

CENTRAL MALL

KANYANG

OLIVE C

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with