^

PSN Showbiz

After 6 years, US GIRLS finale na sa Sabado; Arnel, Xian Lim, Empress, Robi Domingo at Arron makikisaya

-

MANILA, Philippines - Isang bigating pagtatapos ang handog ng Us Girls sa ikatlo at huling bahagi ng Fun Fab Finale nito tampok ang makukulay na performances ng Kapamilya stars at pagbabalik-tanaw sa nakalipas na anim na taon ng programa ngayong Sabado (Mayo 26), 7:30 p.m. sa Studio 23.

Makiki-party sa hosts na sina Iya Villania, Chesca Garcia-Kramer, at Angel Aquino at co-host na si Megan Young sina Arnel Pineda, Xian Lim, Empress Schuck, Robi Domingo, Arron Villaflor, ang bandang Rocksteddy, at ang girl group na The Opera Belles.

Bukod pa sa nakakaaliw na performances ng celebrity guests, sasariwain din ng hosts ang pinaka-hindi malilimutang alaala sa nangungunang lifestyle magazine show at kung paano nito nahubog ang kanilang mga karera sa isang madamdaming panayam kasama ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzalez.

Magbibigay naman ng mensahe para sa programa at hosts ang ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio, ang managing director ng Studio 23 na si March Ventosa, at ang head ng Special Projects-Office of the President na si Leo Katigbak. Samantala, ibabahagi rin ng dati at kasalukuyang staff ng Us Girls ang kanilang mga karanasan sa paghahandog sa mga Kabarkada ng latest sa larangan ng lifestyle.

Sa nakalipas na anim na taon, inihatid ng Us Girls ang pinakauso at pinakamainit na trends sa fashion, pagkain, paglalakbay, at pamimili mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa ibang mundo. Nakapaghakot din ito ng maraming parangal mula sa mga prestihiyosong kumpetisyon sa bansa gaya ng PMPC Star Awards for Tele­vision, Catholic Mass Media Awards, at UP Gandingan Awards.

vuukle comment

ANGEL AQUINO

ARNEL PINEDA

ARRON VILLAFLOR

BIANCA GONZALEZ

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

CHARO SANTOS-CONCIO

CHESCA GARCIA-KRAMER

EMPRESS SCHUCK

FUN FAB FINALE

US GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with