^

PSN Showbiz

Kapana-panabik sa BV!

-

MANILA, Philippines - Sa chapel kung saan nakaburol si Amor, nagawang ibigay ni Eva kay Rebecca ang letter niya for Felix. Pero naabutan sila ni Melissa. Nagalit si Melissa kay Rebecca. Ginugulo raw talaga sila ni Rebecca at pati anak niya ay dina­damay nito.

Naibigay naman ni Rebecca ang letter ni Eva for Felix. Sinabing muntik nang hindi makarating kay Felix ang letter na ito. At nalaman na rin ni Felix from Rebecca na patay na si Amor.

Nalaglag ang letter ni Felix for Eva mula sa bag nito. Nakita ito ni Roberto. Nagalit ito kay Eva. Naisip na baka may balak na si Melissa na iwan siya.

May kausap sa kulungan si Felix, ang topic nila ay si Eva at ang pagkamatay ng kanyang mabait na biyenan. Naniniwala si Felix na okay naman ang kanyang mag-ina ngayon sa bagong buhay nila.

Matindi ang selos ni Roberto, he believes na ang ibig sabihin ng paglilihim nina Melissa sa sulat ni Felix kay Eva ay dahil gusto na siya nitong iwan. Sinampal nang malakas ni Roberto si Melissa.

Parehong umiyak sina Melissa at Eva dahil sinaktan sila ni Roberto.

Nagku-confide si Roberto kay Rico. Rico tells him na hindi dapat sinaktan ni Roberto ang mag-ina.

Nagku-confide si Melissa kay Amy na sinasaktan sila ni Eva ni Roberto. Sa susunod daw na mananakit si Roberto ay lalaban na siya.

Akala ni Melissa ay lumalapit si Roberto para manakit na naman, iyon pala lumuhod  ito para humingi ng tawad. Lumambot ang kalooban ni Melissa.

Bothered si Melissa sa mga sinabi ni Rebecca. Mali ba talaga siya na nagpakasal kay Roberto at hindi pinatawad si Felix? Naalala niya ang mga ginawa ni Felix na nagpapatunay na mahal na mahal siya nito.

Magbabago pa kaya ng isip si Melissa at patatawarin si Felix? Iiwan na kaya niya si Roberto?

Kapana-panabik na ang mga pangyayari ngayong Huwebes at Biyernes sa sa The Broken Vow na napapanood tuwing hapon sa GMA 7.

vuukle comment

BROKEN VOW

EVA

FELIX

KAY

MELISSA

NAGALIT

NAGKU

REBECCA

RICO

ROBERTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with