^

PSN Showbiz

Karylle ibinuking na may pinagdadaanan si Vice kaya 'napapaaway'

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Pumutok ang balitang nagkaproblema sina Vice Ganda at direktor na si Bobet Vidanes sa It’s Showtime kamakailan. Isyung hinarap ng komed­yante at nilinaw na rin ng pamunuan ng nasabing programa. Ngayon ay nagsalita na tungkol sa isyu si Karylle na isa ring host at malapit kina Vice at Direk Bobet.

“Kapag hindi kasi masyadong sinasagot ang intriga, mas nagiging magulo siya. Hindi naman ako directly involved sa isyu, although family ko sila, mahirap magsalita kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko,” bungad ni Karylle.

Kaya ang mas nilinaw ng dalaga ay ang is­yung mahirap talagang pakisamahan si Vice.

“Hindi siya mahirap kasama. One of the things with being a comedian, nakikita ko na they always have to be happy and may mga pinagdadaanan din naman siya. May kanya-kanya kaming pinag­da­raanan and we’re always there for each other. Noong may pinagdadaanan din ako, I know that they were really there for me and they made it known. So same way now na may pinagdadaanan siya na parang dyina-judge siya ng mga tao. Gusto kong sabihin na masarap siyang katrabaho and nara­ramdaman ko talaga ’yung care niya at support niya all out,” paliwanag ni Karylle.  

Enrique ayaw muna uling maghubad

Noong isang taon ay rumampa ng nakahubad si Enrique Gil para sa fashion show ng isang women’s magazine. Ikinagulat ng lahat ang pagpapaseksing ginawa ng bagets noon pero maganda naman ang kinalabasan. Na-enjoy din ni Enrique ang kanyang ginawa sa nasabing fashion show at experience rin ’yun pero ngayon ay ayaw na muna niya itong ulitin.

“As of now wala muna. Na-pressure lang, kasi ako ang ginawang pang-finale. So for the older fans, sige po. It’s an honor to be part of that fashion show. Nag-enjoy ako last year, the crowd was amazing. Gusto kong ulitin pero mas okay na huwag na muna,” nakangiting pahayag ni Enrique.

Gusto munang i-enjoy ng aktor ang kanyang wholesome image sa ngayon.

“I-enjoy ko muna ngayon ’yung tweetums kasi ’pag medyo tumanda na, hindi na puwede,” pagtatapat ng binata.

Samantala, sobrang nag-enjoy si Enrique sa Bhutan kung saan kinunan ang kanyang mga eksena para sa Princess and I kamakailan.

“Ako ang pinakanag-enjoy sa lahat. Nag-enjoy ’yung iba pero after ilang days nagsawa na rin kasi puro bundok, gusto nila may wi-fi. Ako kasi, sabi nga ng handler ko, kaya kong mabuhay kahit walang cell phone, hindi ko ginagamit masyado ang cell phone ko,” kuwento ng aktor.

“Para sa akin ’yung Tiger’s Nest ang favorite ko. Nag-trekking kami ng two hours paakyat ng mountain para mag-shoot. May temple doon sa tabi ng cave kaso hindi kaya ng oras dahil another two hours papunta roon. So dun na lang kami sa second point kung saan kita namin ’yung Tiger’s Nest. Sobrang ganda, mahilig kasi ako sa nature, sa mountains, lalo na ’yung food, puro chili,” dagdag pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

BOBET VIDANES

DIREK BOBET

ENJOY

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

KARYLLE

KASI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with