^

PSN Showbiz

Nang mabalitaang underwear lang ang suot, Gloria Diaz sinugod ang pictorial ng anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tsika sa amin, nagkaroon ng tension sa pictorial ni Isabelle Daza sa Rouge magazine last Tuesday dahil biglang dumating si Gloria Diaz. Sumugod ang aktres sa studio sa Makati City, kung saan ginagawa ang pictorial dahil nabalitaang underwear lang ang suot ng anak.

Kinagalitan daw ng aktres ang editor ng magasin at photographer dahil nga sa nabalitaan. ‘Wag daw gawing (bleep) ang anak niya at ‘wag igaya sa ibang nagko-cover ng sexy sa mga magasin. Tahimik lang daw si Isabelle, pero muntik maiyak, and in fairness, after magalit, umalis din si Gloria at bumalik sa shooting ng The Mommy Returns na showing sa May 9.

Nataranta raw si Gloria sa nabalitaang nagpi-pictorial si Isabelle na naka-underwear lang. Kaya nang mabakante sa shooting, sumugod sa studio. True kayang sa isang co-star ni Gloria sa said ­movie nabalitaan ang pictorial ng anak?

Marian tanggap ang ‘Pagmamaldita’ ni Katrina

Matagal na naming ini-interview si Marian Rivera, pero sa music video shoot ng Down to Mars sa carrier single nilang You Are My Everything, lang namin nalaman na 34-24-36 ang vital stats ng aktres. Kitang-kita ang kaseksihan nito sa costume na gawa ni Julius Tarog.

Pumayag mag-guest ng libre si Marian sa music video dahil kina Geleen Eugenio, Direk Treb Monteras na nasa likod ng hit song at music video niyang Sabay-Sabay Tayo at suporta na rin sa Down to Mars na kapareho raw niyang half-half dahil walang pure Filipino sa members.

Sa May 27, ang TV launching ng album at music video na rin sa Party Pilipinas at tiyak na susuporta uli si Marian.

Samantala, malulungkot pala nito ang Malaysian fans nina Marian at Dingdong dahil kahit anong ayos sa schedule niya, hindi siya makakasama sa BF na pupunta ng Malaysia end of this month para mag-promote ng Endless Love. Magsisimula na siyang mag-taping ng Tweets for My Sweets at nahihiya sa co-stars na naghihintay sa kanya.

Samantala, nag-taping kahapon ng My Beloved sina Marian at Katrina Halili at sabi ni Ma­rian, siya na ang unang babati sa huli. Naiintindihan daw niya ang sitwasyon nito, kaya siya na lang ang babati. Dapat ay nag-usap sila ni Katrina noong Martes pero hindi siya pumuwede dahil nga sa music video shoot.

G Toengi, balik-ABS-CBN

Si G Toengi ang latest talent ng Viva Artist Agency dahil pumirma ito ng kontrata last Tuesday. Si Veronique del Rosario-Corpus at si Mr. Vic del Rosario na ang magpapalakad ng kanyang career at balita namin, may soap na sa ABS-CBN si G.

Kasama raw ito sa cast ng soap nina Gabby Concepcion at Iza Calzado na malapit nang simulan. Sigurado ring bibigyan siya ng pelikula ng Viva Films.

Matatandaang nag-relocate sa ‘Pinas sina G at buong pamilya dahil sa magagandang oportunidad daw na hindi niya matanggihan.

vuukle comment

DAHIL

DIREK TREB MONTERAS

ENDLESS LOVE

G TOENGI

GABBY CONCEPCION

GELEEN EUGENIO

GLORIA DIAZ

ISABELLE DAZA

IZA CALZADO

JULIUS TAROG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with