^

PSN Showbiz

Young actress sermon ang inabot sa madir nang mahuli sa webcam na may ipinakikitang 'mahalay' ang dyowang aktor

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sermon ang inabot ng isang young actress (YA) sa kanyang ina nang mahuli itong kausap sa Skype ang boyfriend na aktor. Okay lang sana kung nag-uusap lang ang magsyota pero nakita ni madir na may ipinapakita ang aktor sa girlfriend na hindi nagustuhan ni madir at feeling nito, nako-corrupt ang virgin mind ng anak.

Ang tsika sa amin, may pinapakitang picture ang BF kay YA na ipinag-react ng madir ng dalaga.

“Nahalayan” ang ginamit na word nang nagtsika sa amin sa naging reaction ng madir ni YA, kaya katakut-takot na sermon ang inabot ng anak na walang nagawa kundi umiyak.

A few days later, may mga nakita kaming sexy pictures ng aktor na kuha sa pictorial ng bago niyang endorsement. Naisip namin na baka ang mga publicity photos na ’yun ang ipinakita ng aktor sa GF at minasama lang ng madir ni YA at akala’y may ginagawang mahalay sa anak ang BF nito.

Hopefully, naipaliwanag na ni YA sa mother niya ang buong istorya nang nakita niya sa Skype para tigilan na niya sa kasesermon ang anak para tumigil na rin ito sa kai-emote.

Billy feel mapanood ang pelikula bago lumayas ng ’Pinas

Sa April 30 na ang alis ni Billy Crawford for France para sa gagawing concert at iba pang trabaho. Hanggang June 30 siya roon, bale two months silang hindi magkikita ng girlfriend niyang si Nikki Gil na sabi ni Billy, GF pa rin niya dahil hindi totoo ang tsismis na nag-break sila.

Pasalamat si Billy na narito pa siya sa showing ng Moron 5 and The Crying Lady sa April 7 dahil gusto niyang mapanood ang pelikulang dinirehe ni Wenn Deramas at pinagsamahan nila nina Marvin Agustin, Martin Escudero, DJ Durano, Luis Manzano, at John Lapus. Trailer pa lang, natawa na kami ng husto. Mukhang magkakatotoo ang biro ni Direk Wenn na kikita ito ng P199 million.

Anyway, kuwento ni Billy, nang ilapit sa kanya ang project, excited na agad siya dahil first movie niya ito with Viva Films at first movie niya na malaki na siya. Si Madam Auring ang peg niya sa karakter ni Isaac nang magpanggap na manghuhula.

Raw acting ang mapapanood sa kanilang apat dahil hindi pumayag si Direk Wenn na mag-acting workshop sila before the shooting.

Derrick magkasunod na naka-date sina Kimberly at Barbie

Kasusulat lang ni Vero Samio na nag-dinner sina Derrick Monasterio at ang magandang star na si Kimberly Rayder sa The Witness bago bumalik sa Indonesia ang dalaga. Heto at nakita naman ang young actor na nanood ng The Hunger Games kasama naman si Barbie Forteza.

Hindi lang nabanggit kung kailan at kung saan nanood ang da­lawa, ang importante, magkasama silang nanood ng sine. Nasaan kaya si Joshua Dionisio that time at ano ang masasabi na si Derrick ang kasamang manood ng ka-love team na usually, siya ang kasama sa movie date?

Safe bang sabihin na sa paglabas nina Derrick at Barbie, ibig sabihin ay wala pang commitment si Derrick sa kahit sinong babae at ganu’n din si Barbie?

Incidentally, muling magkikita sina Derrick at star ng The Witness dahil pupunta ng Indonesia ang young actor para samahan si Kimberly na mag-promote nang nasabing pelikula. Sa April 26, ang showing doon ng movie at susunod sa ibang parte ng Asia.

JC tinatakpan ng maskara ang chicken pox

Nagti-taping na uli ng Valiente si JC de Vera after magka-chicken pox at mabuti na hindi malalim ang peklat na naiwan dahil natatakpan ng makeup. Saka, may prosthetics ang karakter ni JC ngayon bilang si Gardo Braganza dahil nasunog. Tamang-tama na habang nagpapagaling siya sa marka ng chicken pox, naka-maskara muna siya.

Nabanggit namin si JC dahil tiyak na masaya ito na ibinalik ng TV5 sa original time slot ang Valiente starting this Monday na after Willtime Big Time dahil nagtapos na ang Nandito Ako.

Naalala naming nag-react si JC noong iurong ng TV5 ang time slot nila in favor of Nandito Ako. At least, mapapanood na uli ng mas maaga ang Valiente.

vuukle comment

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BILLY CRAWFORD

CRYING LADY

DAHIL

DERRICK MONASTERIO

DIREK WENN

NANDITO AKO

SA APRIL

VALIENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with