^

PSN Showbiz

Kasong libel ni Annabelle Rama sinagot na ni Ynna

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Ngayon ang showing ng pelikulang The Witness na produced ng Skylar at GMA Films na pinagbibidahan ni Gwen Zamora.

Excited si Gwen nang nakatsikahan namin sa premiere night na ginanap sa Resorts World kamakalawa ng gabi.

Namataan namin sa premiere night si Rhian Ramos dahil balitang siya ang susunod na gagawan ng pelikula ng Skylar na co-prod ng GMA Films.

Baka sa susunod na buwan daw ay magsu-shooting din siya sa Indonesia, at excited ngayon pa lang si Rhian.

PAK: Nagsumite na si Ynna Asistio kahapon ng hapon ng kanyang counter-affidavit sa kasong Libel na isinampa ni Annabelle Rama laban sa kanya.

Sinubmit niya ito sa Makati Prosecutor’s Office, at balak na rin niyang i-submit ang kanyang civil case na Recession of Contract kay Tita Annabelle.

Dahil kinasuhan naman daw siya ni Tita Annabelle na manager pa nito, dapat daw na pakawalan na siya dahil nagkakaroon daw ng conflict.

Sa susunod na linggo naman ay kailangan na ring mag-submit ni Richard Gutierrez ng kanyang counter-affidavit sa kasong Unjust Vexation na isinampa ni Nadia Montenegro laban naman sa aktor.

BOOM: Sa Sabado ay magkakaroon ng announcement sa Startalk tungkol sa isang sexy actress na napabalitang nagdadalang tao ngayon.

Kasabay nito ay ang pag-announce na rin nang pamamaalam niya sa drama series kung saan kabilang siya.

Kailangan na raw niyang iwan ang drama series na iyun dahil ilang linggo na lang ay mahahalata na raw ang katawan nito.

Marami na kasi ang nakapansin na medyo mataba na siya kaya kaila­ngan na niyang aminin ang tunay niyang kalagayan.

Hindi pa namin mabanggit kung sino itong sexy actress, dahil hinihintay pa namin ang kumpirmasyon mula sa kanya.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

GWEN ZAMORA

MAKATI PROSECUTOR

NADIA MONTENEGRO

RECESSION OF CONTRACT

RESORTS WORLD

RHIAN RAMOS

RICHARD GUTIERREZ

SA SABADO

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with