^

PSN Showbiz

Nag-asawa lang, natulungan naman ang programa... Shalani, sinisiraan at inaatake na ng kampo ni Willie Revillame

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kawawa naman si Konsehala Shalani Soledad-Romulo, na­wala na sa programang Wiltime Big Time, napagbibintangan pa ng kung anu-ano. Kesyo gagamitin lang niya ang show para sa political career nilang mag-asawa. Hindi ba siya puwedeng mawala sa show ng walang ganitong isyu at intriga? I’m sure masakit ito para sa kanya dahil hindi naman siya nagprisinta sa programa, siya ang kinuha ng show.

Ngayon they are saying na hindi naman siya kawalan sa prog­ra­ma. Bakit naman? Nung nandun naman siya, she gave her best, kuntento naman sila sa trabaho.

Nag-asawa lang siya, sumama na ang imahe niya at maging siya sa kanila?

Grace Lee walang k magka-PSG

Hindi pa first lady si Grace Lee kaya hindi pa ito dapat alukan ng Presidential Security Group (PSG) ni P-Noy na ikina-react ng hindi maganda ng marami. Hamo nang samantalahin ng Koreana ang interes ng mga Pilipino. After all, hindi lahat ng na-link sa kanya ay ina-acknowledge ng pangulo.

Ibig sabihin lang ay espesyal ang TV host at pinuputakti ito ng madla kaya siya naalok ng proteksiyon ng PSG ni P-Noy.

He would have realized it sooner or later na kung ayaw niyang dinudumog ang babaeng nali-link sa kanya, gawin niyang napakapribado ng kanyang panliligaw. Huwag ’yung pati ang pagbeso-beso niya sa Koreana ay naging front page ng halos lahat ng mga babasahin sa bansa.

vuukle comment

BAKIT

GRACE LEE

KOREANA

P-NOY

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

SHALANI SOLEDAD-ROMULO

SIYA

WILTIME BIG TIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with