^

PSN Showbiz

Pero magandang-maganda, Shalani pumayat sa honeymoon nila ni Roman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagkita na kami kahapon ni Shalani Soledad sa isang restaurant sa Quezon City at totoo ang tsismis, ang ganda-ganda niya ngayon.

Hindi puwedeng i-deny na maligayang-maligaya si Shalani sa piling ng kanyang mister na si Congressman Roman Romulo.

Imbes na tumaba, pumayat si Shalani sa honeymoon trip nila ni Papa Roman sa Europe.

Nagkita rin kami kahapon ni Papa Roman dahil inihatid niya si Shalani sa lunch date namin. In fairness sa husband, ang aliwalas ng face ni Papa Roman na obvious na very happy sa buhay may-asawa.

Fans lalong na-excite sa teaser ng My Beloved

Nagkita rin kami kahapon ni Marian Rivera sa parlor ni Bambbi Fuentes.

Getting ready si Marian para sa presscon ng My Beloved nang maabutan ko siya sa parlor habang nakasalang sa hair treatment.

Ipinapakita na ang teaser plug ng My Beloved sa GMA 7. Maganda at nakakaintriga ang mga eksena na ipinakita kaya lalong na-excite ang mga fans nina Marian at Dingdong Dantes na mapanood ang My Beloved.

Lovi ka-level na nina Marian at Kim sa bagong endorsement

Ang cute ni Jun Lalin sa picture na ipinakita niya sa akin kahapon.

Korean costume ang outfit ni Jun na may special participation sa sequel ng Kimmy Dora na kinunan sa South Korea.

Take note, paulit-ulit ang dialogue ni Jun na special participation siya sa Kimmy Dora, hindi extra.

Ang tanong, may talent fee ba si Jun sa participation niya sa sequel ng Kimmy Dora o thank you lang ang kanyang appearance?

Nagkita kami ni Jun kahapon sa contract signing ni Lovi Poe sa Edsa Shang­ri-La Hotel.

Si Lovi ang bagong endorser ng Extraderm soap na produkto ng Splash. Ka-level na ni Lovi ang ibang mga endorsers ng Splash products gaya nina Kim Chiu at Marian Rivera.

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

EDSA SHANG

JUN LALIN

KIM CHIU

KIMMY DORA

MARIAN RIVERA

MY BELOVED

NAGKITA

PAPA ROMAN

SHALANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with