^

PSN Showbiz

It's Showtime hosts handa nang mag-party-party tuwing tanghali!

-

MANILA, Philippines - Wala nang makapipigil pa sa unkabogable na sayang handog ng pinakabago, pinaka-inaabangan, at mas pinasayang noontime show ng ABS-CBN, ang It’s Showtime na magbubuhos ng pag-asa, walang patid na sigla at tuwa, at limpak-limpak na papremyo simula ngayong Lunes (Feb. 6).

Nasasabik na ang hosts na sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Billy Crawford, “Kuya” Kim Atienza, Karylle, Vice Ganda, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta at dating ex-hurados at ngayo’y hosts nang sina Jhong Hilario, Ryan Bang, at Coleen Garcia sa lahat ng mga panibagong pakulo na magbibigay pa sa madlang people ng mas maraming pagkakataon para magpasikat.

Saad ni Vice na pangungunahan ang videoke showdown segment ng programa, “Hindi ito ang ki­na­gawian nilang Showtime na napanood nila sa na­kalipas na dalawang taon. Maraming madadagdag na magiging bahagi ng buhay nila. Maraming eksena sa programang ito na makaka-relate sila.”

Ibinida rin nina Anne at Karylle ang mga bagong tugtugin, outfit, at biro na kanilang gagamitin, pati na ang kanya-kanyang pasabog ng hosts na ibinase raw sa kani-kanilang talento at kakayahan.

Patikim naman ni Billy, dapat daw abangan ng mga manonood ang mga karakter na matagal na ni­lang pinaghahandaan ni Vhong, samantalang mag­babalik ang Arte Mo! segment na dati nang inihain nina Vhong at Anne.

Bukod pa riyan, magsasama-sama ang lahat ng hosts sa natatangi at pinaka-enggrandeng pakulo ng It’s Showtime kung saan maaaring manalo ang con­testants ng jackpot prize na P500,000.

“Hindi kami nandito para makipagkumpitensiya. Nandito kami para pasayahin ang madlang people,” diin ni Anne.

Samantala, mananatili pa rin ang talent search ele­ment sa mas pinabonggang programa, na patu­loy pa ring tutuparin ang pangarap ng pinakama­ga­ga­ling na performers sa buong bansa na makilala, magpasiklab sa telebisyon, at aliwin ang mga ma­nonood.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ARTE MO

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

JHONG HILARIO

JUGS JUGUETA

KARYLLE

KIM ATIENZA

SHOWTIME

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with